Posts

Showing posts with the label pinili

Lukas 10:38-42

Image
Sa kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagngangalang Marta. May kapatid siyang babae na tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng panginoon at nakikinig sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.” Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa maraming bagay; isa lang naman ang kailangan. Pinili nga ni Maria ang mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.” Source: Radio Veritas

Biyernes - Enero 20, 2012, Ika-2 Linggo ng Taon (Fabian, Sebastian)

Image
Biyernes - Enero 20, 2012,Ika-2 Linggo ng Taon (Fabian, Sebastian) Unang Pagbasa 2 Samuel 1:1-27 Ang Pagkamatay ni Saul 1 Nang magbalik si David buhat sa matagumpay na pakikidigma laban sa mga Amalekita, tumigil siya ng dalawang araw sa Ziklag. 2 Nang sumunod na araw, dumating buhat sa labanan ang isang lalaking punit ang kasuotan at puno ng alikabok ang ulo. Lumapit ito kay David at nagpatirapa bilang pagbibigay-galang. 3 "Saan ka galing?" tanong ni David. "Tumakas po ako sa kampo ng Israel," sagot ng lalaki. 4 "Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ni David. "Umatras po sa labanan ang hukbo at maraming mga kawal ang napatay. Napatay rin po ang mag-amang Saul at Jonatan," sagot ng lalaki. 5 "Paano mo nalamang napatay sina Saul at si Jonatan?" tanong ni David. 6 Isinalaysay ng lalaki ang pangyayari. "Nagkataon pong ako'y nasa Bundok ng Gilboa. Nakita ko pong hinahabol si Haring Saul ng mga ...