Posts

Showing posts with the label pista

Juan 7, 1-2. 10. 25-30

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 7, 1-2. 10. 25-30 Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang Galilea; iniwasan niya ang Judea, sapagkat ibig siyang patayin ng mga Judio roon. Nalalapit na ang Pista ng mga Tolda, isang pista ng mga Judio. Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Hesus ma’y pumunta rin sa pista, ngunit hindi hayagan. Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong gusto nilang patayin? Hayan! Lantaran siyang nagsasalita, ngunit wala silang sinasabi laban sa kanya! Baka naman nakilala ng mga pinuno na siya nga ang Mesiyas! Walang makaaalam kung saan magmumula ang Mesiyas pagparito niya, ngunit alam naman natin kung saan nagmula ang taong ito!” Kaya’t nang nasa templo si Hesus at nagtuturo, malakas niyang sinabi, “Ako ba’y nakikilala ninyo? Alam ba ninyo kung saan ako nagmula? Hindi ang naparito sa ganang akin lamang. Ang Totoo ang siyang nagsugo sa akin, ngunit hindi ninyo siya nakikilala. Nakikilala ko siya, sapagkat ako’y mula sa kanya...

Juan 3:13-17

Image
Sinabi ni Jesus kay Nicodemo: Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit – ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.” Source: Radio Veritas

Homiliya ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa Misa sa Quirino Grandstand sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno January 09, 2012 - Monday

Image
Homiliya ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa Misa sa Quirino Grandstand sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno January 09, 2012 - Monday Maligayang piyesta po sa inyong lahat. Marami po sa atin ang pumarito at mananatili upang dalhin sa Panginoon ang ating mga panalangin, mga kahilingan, ang ating mga sugat, mga problema, mga hinaing. Sa atin pong pagtitipon, alalahanin natin ang ating mga kapatid natin sa Northern Mindanao at sa ilang bahagi ng kabisayaan na hanggang ngayon po ay nagsisikap bumangon pagkatapos ng Sendong. Alalahanin din natin ang mga kapatid natin sa Compostela Valley na naapektuhan ng landslide, pwede po bang tumahimik tayo sandali mag-alay ng panalangin sa Poong Hesus Nazareno para sa mga kapatid nating nagdurusa. Sa banal na misang ito, tayo po ay sumasamba sa Diyos at nagpupuri sa Kanya, ang atin pong pagtitipon ay laging espesyal basta nagkakatipon sa pangalan ng Diyos, iyan ay espesyal na pagtitipon at tayo ay nagpapasalamat sa ating minamahal na Pre...