Posts

Showing posts with the label pito

Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Galacia 3, 22-29 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, sinasabi ng Kasulatan na ang lahat ng tao’y alipin ng kasalanan upang sa pamamagitan ng pananalig kay Hesukristo, ang mga sumasampalataya ay tumanggap ng mga ipinangako ng Diyos. Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, kami’y alipin ng Kautusan hanggang sa mahayag ang pananampalatayang ito. Kaya’t ang Kautusan ang naging tagapagturo namin hanggang sa dumating si Kristo at sa gayun, kami’y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong nananalig na kami sa kanya, wala na kami sa pangangalaga ng tagapagturo. Dahil sa inyong pananalig kay Kristo Hesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Sapagkat ang lahat ng nabinyagan kay Kristo ay pinananahan ni Kristo. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae – kayong lahat ay iisa dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus. At kung kayo’y kay Kristo, kabilang k...

Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Denis, Obispo at mga Kasama, mga Martir  San Juan Leonardi, Pari UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang tunay na lahi ni Abraham. Hindi pa ma’y ipinakita na ng Kasulatan na pawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya. At ipinahayag na kay Abraham noon pa ang Mabuting Balita: “Sa pamamagitan mo’y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.” Nanalig sa Diyos si Abraham at siya’y pinagpala kaya’t pagpapalain ding tulad niya ang lahat ng nananalig sa Diyos. Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, “Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.” Maliwanag, kung gayun, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapakat “Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuha...

Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario UNANG PAGBASA Galacia 2, 1-2. 7-14 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, makalipas ang labing-apat na taon, muli akong pumunta sa Jerusalem na kasama sina Bernabe at Tito. Nagbalik ako sapagkat ipinaalam sa akin ng Diyos na dapat akong pumaroon. Nakipagpulong ako nang sarilinan sa mga pangunahin sa simbahan, at ipinaliwanag ko sa kanila ang Mabuting Balita ng kaligtasan na ipinangangaral ko sa mga Hentil. Ginawa ko ito sapagkat ayokong mawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal sa nakaraan at sa kasalukuyan. Sa halip, kinilala nilang ako’y hinirang ng Diyos upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Hentil tulad din ng pagkahirang kay Pedro upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Judio. Ang Diyos na humirang kay Pedro bilang apostol sa mga Judio ang siya ring humirang sa akin bilang apostol sa mga Hentil. Nabatid nina Santiago, Pedro at Juan, mga kilalang haligi ng simba...

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Isaias 5, 1-7 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ako ay aawit sa sinta kong mahal tungkol sa nangyari sa kanyang ubasan: Mayroong ubasan ang sinta kong mutya sa libis ng bundok na lupa’y mataba; hinukayan niya’t inalisan ng bato at saka tinamnan ang nasabing dako; mga piling puno ng mabuting ubas itinanim niya sa nasabing lugar; sa gitna’y nagtayo ng isang bantayan at nagpahukay pa ng sadyang pisaan. Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kayang tanim ay magsimpamunga. Ngunit ano ito? Pagdating ng araw ang kanyang napitas ay ubas na ligaw. Kaya’t kayo ngayon, taga-Jerusalem, at gayun din kayo, mga taga-Juda, kayo ang humatol sa aming dalawa: Ako, at ang aking ubasan. Ano pa ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan? Bakit nang ako’y mamitas, sa itinanim kong mabubuting ubas, ang nakuha ko ay ubas na ligaw? Kaya’t ito ngayon ang gagawin ko sa aking ubasan: Papatayin ko ang mga halamang nakapaligid dito. Wawasakin ko ang bakod nito. Hahayaan kong ito’y mapasok...

Mateo 18, 21-35

Image
Mateo 18, 21-35 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 18, 21-35 Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Hesus, “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyung piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya. “Ngunit pagkaalis niya roon at nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa...