"Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, wika ng Panginoon!" (Ezekiel 18:32)
Sign the online Petition "Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, wika ng Panginoon!" (Ezekiel 18:32) Minamahal na Bayan ng Diyos, Labis kaming nababahala, kaming inyong mga Obispo, sa maraming namamatay at pinapatay sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot o droga. Totoong malaking problema ang droga. Dapat itong sugpuin at pagtagumpayan. Pero ang lunas ay wala sa pagpatay ng mga pinaghihinalaang gumagamit o nagtutulak ng droga. Hindi lang kami nababahala sa mga pinatay. Nakakabahala ang kalagayan ng mga pamilya ng mga nasawi. Mas lalong pinahirapan ang buhay nila. Nakakabahala rin ang takot na naghahari sa maraming lugar ng mahihirap. Marami ang nasasawi na hindi naman droga ang dahilan. Hindi na napananagot ang mga pumapaslang. Mas lalong nakakabahala ang pagiging manhid ng marami sa ganitong katiwalian. Itinuturing na lang na ito ay normal, at ang masama pa ay iniisip ng marami na nararapat lang daw itong gawin. Nakikiisa kami sa layuning pagbabago na ...