Posts

Showing posts with the label roma

Roma 8, 8-11

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 8, 8-11 Mga kapatid: Ang mga nabubuhay ayon sa laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos. Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Espiritu ni Kristo’y wala sa isang tao, hindi siya kay Kristo. Ngunit kung nasa inyo si Kristo, bagamat patay na ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, buhay naman ang inyong espiritu dahil sa pinawalang-sala na kayo. Kung nananahan a inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang mulang bumuay kay Hesukristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.

Roma 4, 13. 16-18. 22

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 4, 13. 16-18. 22 Mga kapatid, ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila and sanlinutan, hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan kundi sa kanyang pananalig sa Diyos at sa gayo’y siya’y pinawalang-sala. Kaya nga, ang pangako ay nababatay sa pananalig upang ito’y maging isang kaloob sa lahi ni Abraham-hindi lamang sa mga sumusunod sa Kautusan kundi sa lahat ng nananalig sa Diyos, tulad niya, yamang siya ang ama nating lahat. Ganito ang nasusulat: “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito ay may bisa sa harap ng Diyos na kanyang pinanaligan, ang Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumikha sa lahat ng bagay. Bagamat wala nang pag-asang magkaanak, nanalig pa rin si Abraham na siya’y magiging ama ng maraming bansa, ayon sa sinabi sa kanya, “Kasindami ng bituin ang magiging lahi mo.” Kaya’t dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala.

Roma 5, 1-2. 5-8

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 5, 1-2. 5-8 Mga kapatid: Yamang napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong Hesukristo, sa pamamagitan niya’y mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos. Sa pamamagitan nga niya’y tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at lubos tayong nagagalak sa ating pag-asa na makakasama sa kanyang kaluwalhatian. Hindi tayo nabigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos at ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin. Sapagkat noong tayo’y mahihina pa, namatay si Kristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid – bagamat maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang mabuting tao. Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Kristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.

Taga-Roma 5:12-19 o 5:12, 17-19

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Roma 5:12-19 o 5:12, 17-19 Mga kapatid:  Ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao,  at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niyá.  Dahil dito,  lumaganap ang kamatayan sa lahát ng tao  sapagkat ang lahát ay nagkasala.  Sa pamamagitan ng isang tao – si Adan – naghari ang kamatayan  dahil sa kaniyáng kasalanan.  Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao  – si Hesukristo –  higit ang kinamtan ng mga kinahabagan nang sagana at pinawalangsala:  silá’y maghahari sa buhay.  Kay laki ng kahigtan ng pagpapalang ito kaysa kasawiang iyon.  Kaya’t kung paanong nagbunga ng kaparusahan sa lahát ang kasalanan ng isang tao,  ang pagkamatuwid naman ng isang tao ay nagdulot ng kapatawaran at buhay sa lahát.  Sapagkat sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan,  gayon din naman,  marami ang pawawalang...

Nagulat ang boung simbahang Katoliko sa desisyon ni Papa Benedicto XVI.

Image
Source: Reuters Sa Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ng Lourdes, Feb 11, 2013, sa oras natin, February 12, 2013 sa oras ng Europa ay ipinahayag ng Sto. Papa ang kanyang pag iiwan sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng sambayanang Kristiyano na may bilang na 1.2 bilyong katoliko sa boung mundo. Siya ay unag Papang umalis sa kanyang tungkulin mula noong Middle ages, 700 dang taon na ang nakakalipas. Bagamat hindi ito ang tinaguriang kaugalian ng simbahan kahit na mahina at may sakit ang Papa, ito ay nakasaad sa Canon Law sa pagbibitiw ng mga tungkulin ng mga Klero.Sa mga Klero kasama na rin dito ang mga Obispo. Ang papa ay nabibilang rin sa mga hanay ng Obispo bilang Obispo ng Diyosesis ng Roma bagamat siya ang pinakamataas sa lahat. Walang specific na nakalagay sa papa tungkol sa pagbibitiw ng tungkulin ngunit ang mga obispo ay hinihinging magpadala ng sulat ng pagbibitiw pag abot nila ng edad na 75. Sa kanyang edad na 85 ay ibinigay niyang kadahilanan sa kanyang pagbib...

Miyerkules - Nobyembre 30, 2011,Unang linggo ng Adbiyento (Andres, Apostol)

Image
Miyerkules - Nobyembre 30, 2011    Unang linggo ng Adbiyento  (Andres, Apostol) Unang Pagbasa                                Roma 10: 9-18                 9 Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.  10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas.  11 Sinabi nga ng kasulatan, "Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya."  12 Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya,  13 dahil sinasabi sa kasulatan, "Malilig...