Liham Pastoral sa Pagdiriwang ng Taon ng Pananampalataya
Mga minamahal na kapatid kay Kristo, Ipinahayag ni Papa Benito XVI sa kanyang Liham Apostoliko Porta Fidei ang Taon ng Pananampalataya na pasisimulan sa ika-11 ng Oktubre 2012 at magtatapos sa ika-24 ng Nobyembre 2013, ang Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari. Inaanyayahan ang buong Simbahan na ipagdiwang ang natatanging kaloob ng pananampalataya, na muli itong tanggapin at maligayang ipahayag at ibahagi. Ang minamahal nating Arkidiyosesis ng Maynila ay nakikiisa sa Simbahan sa buong mundo sa pagsalubong sa Ang Dahilan ng Taon ng Pananampalataya Masusing pinili ang petsa ng pagbubukas ng Taon ng Pananampalataya. Ipinaliliwanag nito ang layunin ng Santo Papa. Ika-limampung anibersaryo ng pagbubukas ng Ikalawang Konsilyo Vaticano (1962) at ika-dalawampung anibersaryo ng pagpapasinaya sa Katesismo ng Simbahang Katoliko (1992) sa ika-11 ng Oktubre 2012. Ang kahalagahan ng dalawang pangyayaring ito ang nagtatakda ng diwa ng Taon ng Pananampalataya. Sa ating panahon, ang Ikalawang ...