Posts

Showing posts with the label tahanan

Oseas 14, 2-10

Image
Oseas 14, 2-10 Aklat ni propeta Oseas 14, 2-10 Ito ang sabi ng Panginoon, “Israel, manumbalik ka na sa Panginoon na iyong Diyos. Ang pagbagsak mo ay bunga ng iyong kasamaan.” Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo sa Panginoon at sabihin ninyo, “Patawarin mo na kami. Kami’y iyong kahabagan at tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri. Hindi kami mailigtas ng Asiria, hindi kami sasakay sa mga kabayo. Hindi na namin tatawaging diyos ang mga larawang ginawa lamang ng aming mga kamay. Sa iyo lamang makatatagpo ng awa ang mga ulila.” Sabi ng Panginoon, “Patatawarin ko na ang aking bayan. Mamahalin ko sila nang walang katapusan, sapagkat mapapawi na ang aking galit. Ako’y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel, at mamumulaklak siyang gaya ng liryo, mag-uugat na tulad ng matibay na punongkahoy; dadami ang kanyang mga sanga, gaganda siyang tulad ng puno ng olibo, at hahalimuyak gaya ng Libano. Magbabalik sila at tatahan sa ilalim ng aking kalinga. S...

Lukas 16:1-13

Image
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatwag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangaiswa dahil hindi ka na makapangangasiwa.’ “At inisip ng katiwala: ‘Tatanggalin ako ngayon sa pangangasiwa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Kulang ako ng lakas para magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagkatanggal sa akin sa pangangasiwa, may mga magpapatuloy sa akin sa kanilang mga bahay.’ “Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may-utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon? Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo; maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ Tinanong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.’ Sinabi ng katiwala: ‘Na...

Panalangin sa Araw ng Pasasalamat

Image
Panginoon, nagpapasalamat kami sa Iyo. sa kagandahang loob ng sangkatauhan at sa espiritu ng katarungan nanamayani sa bansang ito. Nagpapasalamat ako sa Iyo sa kagandahan at kaganapan ng lupain at mga hamon ng mga lungsod. Nagpapasalamat kami sa Iyo sa trabaho at pahinga sa isat'isa at sa aming mga tahanan Nagpapasalamat kami sa Iyo, Panginoon: Tangapin mo ang aming Pasasalamat sa araw na ito R: Amen. _______ Isinalin mula sa wikang Ingles ni Rev. Fr. Jessie G. Somosierra English version

Panalangin ng mga Magulang

Image
Panalangin ng mga Magulang Ipagkaloob mo, Panginoong Hesus, na tapat na matularan ang halimbawa ng iyong banal na pamilya at upang gawin ang aming tahanan ay maging isang katulad ng iyong tahanan sa Nazareth. Ang tahanan na may kapayapaan, pag-ibig at kaligayahan ay nananatili. Bigyan mo kami ng biyaya na  magampanan namin ang aming tungkulin bilang mga mabubuting magulang sa aming mga anak. Ipagkaloob mo na ang aming mga anak  ay makatagpo ng matibay na sandigan ng kanilang makataong dignidad at ng kanilang paglago sa katotohanan at pag-ibig sa loob ng aming tahanan. Sa takdang panahon na kami ay tutungo na sa iyong tahanang walang hanggan na inihanda mo para sa amin nawa ang iyong Ina at si San Jose ang maghatid sa amin patungo sa iyo pagkatapos ng maligayang kamatayan.  ____ English