Posts

Showing posts with the label tapat

Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18

Image
Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18 Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag, banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas. Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, ang pagtingi niya ay mamamalagi. Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit na ano ito ay mabuting lahat. Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; yaong inaapi’y inaalis niya sa pagkagupiling. Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa. Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo. Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag.

Salmo 50, 12a. 14a

Image
Salmo 50, 12a. 14a D’yos ko, sa aki’y igawad loobing tunay na tapat; puso ko’y gawin mong wagas nang manauli ang galak bunga ng ‘yong pagliligtas.

Mateo 21, 33-43. 45-46

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 21, 33-43. 45-46 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang parte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nagusap-usap: ‘Ito ang tagapagma...

Salmo 30, 5-6. 14. 15-16

Image
Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Tugon: Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. O aking patnubay, ako ay iligtas. sa patibong nila at umang na bitag. Buhay ko’y nabilin sa ‘yong mga kamay, ang pagliligtas mo sa aki’y pakamtan; ikaw ang aming Diyos, na tapat ay tunay. Tugon: Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. May mga bulungan akong naririnig, mula sa kaaway sa aking paligid; sa kanilang balak ako’y nanginginig, ang binabalangkas, ako ay iligpit. Tugon: Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. Ngunit Panginoon, ang aking tiwala ay nasasaiyo, Diyos na dakila! Sa iyong kalinga, umaasa ako, laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo; at sa umuusig na sinumang tao. Tugon: Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin.

Salmo 50, 12a. 14a

Image
Salmo 50, 12a. 14a D’yos ko, sa aki’y igawad loobing tunay na tapat; puso ko’y gawin mong wagas nang manaulo ang galak bunga ng ‘yong pagliligtas.