Posts

Showing posts with the label unanag

Biyernes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Filipos 1, 1-11 Ang simula ng sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mula kina Pablo at Timoteo, mga alipin ni Kristo Hesus – Sa mga taga-Filipos na hinirang ng Diyos at nananalig kay Kristo Hesus, gayun din sa mga tagapangasiwa at sa mga tagapaglingkod: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Hesukristo. Nagpapasalamat ako sa Diyos tuwing maaalaala ko kayo. Ang aking mga panalangin para sa inyo ay laging puspos ng kagalakan dahil sa inyong tulong sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita tungkol kay Kristo, mula nang ito’y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan. Tinitiyak ko sa inyong ang mabuting gawa na pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus. Marapat lamang na pahalagahan ko kayo nang ganito, sapagkat kayo’y mahal sa akin. Naging kahati ko kayo sa mga pagpapala ng Diyos noon pa mang ako’y nagtatanggol at nagpapalaganap ng Mabuting Balita, maging ngayong nakabilanggo...

Sabado ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Cosme at San Damian, Mga Martir Mahal na Birheng Maria ng Sabado UNANG PAGBASA Mangangaral 11, 9 – 12, 8 Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang ibig mo at lahat ng nakaaakit sa paningin mo. Ngunit alamin mong lahat ng ito’y ipagsusulit mo sa Diyos. Iwaksi mo ang alalahanin at mga kabalisahan; ang kabataan at kasibulan ay pawang lumilipas. Alalahanin mo ang lumikha sa iyo sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay. Alalahanin mo ang Diyos bago makubli ang sikat ng araw, bago magdilim ang buwan at mga bituin, bago ka lambungan ng makapal at madilim na ulap. Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawala ang lakas ng iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata. Alalahanin mo nga siya bago ka mawalan ng pandinig, na halos di ...