Posts

Showing posts with the label zion

Sabado - Enero 7, 2012,Bago Mag-Epifania (Raymundo ng Penafort)

Image
Sabado - Enero 7, 2012 Bago Mag-Epifania (Raymundo ng Penafort) Unang Pagbasa 1 Juan 5:14-21 14 Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. 15 At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya. 16 Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito. 17 Ang lahat ng gawaing di matuwid ay kasalanan, ngunit may kasalanang hindi hahantong sa kamatayan. 18 Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ni Jesu-Cristo, at hindi sila maaaring galawin ng diy...

Linggo - Disyembre 25, 2011, Pasko ng Pagsilang ng Panginoon

Image
Linggo - Disyembre 25, 2011 Pasko ng Pagsilang ng Panginoon Unang Pagbasa Isaias 52:7-10 7 O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita. Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: "Zion, ang Diyos mo ay naghahari!" 8 Narito! Sisigaw ang nagbabantay, dahil sa galak, sama-sama silang aawit; makikita nila si Yahweh na babalik sa Zion. 9 Magsiawit kayo, mga guhong pader nitong Jerusalem; sapagkat inaliw ng Diyos ang hinirang niyang bayan; iniligtas na niya itong Jerusalem. 10 Sa lahat ng bansa, makikita ng mga nilalang, ang kamay ni Yahweh na tanda ng kalakasan; at ang pagliligtas ng ating Diyos tiyak na mahahayag. Salmo Awit 98:1-6 Si Yahweh ang Hari ng Buong Mundo 1 Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan ...