Sitwasyon sa bayan ng Bay, Laguna dulot ng hanging habagat
Kagabi pa dapat ito ihalathala pero dahil sa pagkawala ng linya ng Telepono at ng Internet hindi into naisakatuparan. Noong Martes ang report lamang ng mga naapektuhan ng malakas na ulan dulot ng Hanging habagat ay may roon lamang 300 pamilya sa evacuation centers na nasa baranggay ng Tagumpay, San Isidro, San Antonio, Maitim at Dila. Ngunit kahapon noong pinuntahan na mismo ang mga evacuation centers ay halos triple na ang mga ito. Ito ang report kahapon; Brgy. Tagumpay 185 na pamilya Brgy. San Antonio 256 na pamilya Brgy. San Isidro 70 na pamilya Brgy. Santo Domingo 114 na Pamilya Brgy. Maitim 109 na Pamilya Brgy. Dila 36 na pamilya Brgy. calo 91 na Pamilya kabuoan na 861 na pamilya.