Posts

Panukala

Image
Pagkatapos ng Misa sa umagang ito ay may mga ilang mga parokyano na nakikipagusap sa ilang mga katanungang kanilang nais na maunawaan sa pagkilos ng parokya at sa lalong pagkaunawa sa ating pananampalataya. Mayroon namang may mga panukala para sa ikaayos at ikakatatag ng ating pananampalataya. Si sandy Guinto ay isa na rito. Nakipagugnayan siya dahil nais niyang makatulong sa pagpapagawa ng panukalang parokya Ng san Nicholas de Tolentino sa Brgy. Masaya na sinimulan na makita kung may magsusumigsi para sa nasabing matagal ng pangarap. Nais niya magpa-concert sa UPLB sa isang Banda na ang pangalan ay Parokya ni Edgar at ang malilikom na pera ay ibibigay niya para sa nabanggit na proyekto. humihingi siya ng pahintulot.  Isang magandang pagkakataon ito na makapaglikom sa may madaling panahon. Siya ay nagtratrabaho sa Department of Trade and Industry bilang isang abogado nito. Siya ay tubong Bay, laguna, Philippines at nais niyang tumulong para sa proyekto ng parokya. Isang...

Ang Binigyan ng Mas Marami ...

Image
Ang pagdiriwang ng Banal na Misa kaninang umaga sa ganap na ika 6 ay pagpaparangal din para sa Obispong  Santo na si San Antonio Maria Claret na nagtatag ng isang kongregasyon ng mga pari at kapatirang lalaki na higit na kilala sa pangalang Claretians.  Mas marami ang ibinigay mas marami ang hihingin, ang isang paalala ng ating panginoong Hesukristo sa bawat isa sa atin. Kaya kaakibat ng biyaya na ipinagkaloob ng panginoong Diyos ay ang pagpapasalamat at ang responsibilidad na makila na ang kaloob na ito ay dapat pagyamanin. Hindi dapat ito sinasayang sa pagaaksaya at pagtatago lamang para di pakinabangan. Ang bawat bagay na kaloob ay isang biyaya at responsibilidad.

San Juan Maria Vianney Mini Posters

Image
Mga malilit na mga larawan na nagpapakita ng mga pagninilay sa buhay ni San Juan Maria Vianney, isang banal at patron ng mga pari, mga kura paroko at mga diyosesanong pari. Ito ay bahagi ng isang kalendaro na  ginamit noong taon ng mga pari 2010.

Aaron Erence and Julie Ann

Image
Isang pagtatalaga ng bawat sarili sa isat isa ang naganap ngayong hapon dito sa Parokya ni San Agustine, Bay, Laguna,Phillipines. Kaninang ganap na ika apat ng hapon nagsumpaan sina  Aaron Erence C. Bargola at Julie Ann  C. Rosario sa sakramento ng pagiisang dibdib. Si Aaton Erence ay anak nina Elmer O. Bargola at Alma F. Cantillano ng Calo, Bay, laguna, Philippines at si Julie Ann ay anak nina Ernesto Rosario, Jr. at Annaliza M. Condino ng Dila, Bay, Laguna, Philippines. Parehong nasa edad ng 20,

Misa sa Patay

Image
Misa sa Patay. katatapos lamang ng isang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa kaluluwa Meniano Seda at sa kapanatagan ng kanyang mga mahal sa buhay. Si Meniano ay taga Sta. Cruz, Bay, Laguna na mamayapa na sa piling ng Panginoon dahil sa atake sa puso sa edad na 56. San Agustin, ipanalangin mo si Meniano San Nicholas de tolentino, ipanalangin mo si Meniano

Watermark

Image
Sangayon sa Google ang watermark ay antas ng tubig sangayon sa pagsasalin nito sa wikang Filipino. Pero hayaan ninyo na tawagin natin dito na markang tubig. Nagsimula nang lagyan ang mga larawan ng markang tubig na ginawa mula sa escudo  o coat of arms ni Padre Jessie Somosierra, Jr.  Hindi rin madali gumawa ng coat of arms, sa iba na natin ipapaliwanag ang mga kahulugan ng mga imahe na nakalagay doon. mahirap din maghananp ng magandang software na siyang mag lalagay ng markang tubig. Ang napili ay  ang  TSR Watermark Image Software, dahil sa ito ay libre para sa personal na paggamit at pwedeng gamitin ang imahe o teksto para sa pagmamarkang tubig. bilang bahagi ng aking pasasalamat ito ang kawil sa lugar na pwedeng pagdownloadan ng nasabing T SR Watermark Image Software . Mayroon ding iba at kung tutuusin ay marami ang mga software kaya lang mas maganda ito sangayon sa kasalukuyang pangangailangan. Halimbawa ng imahen na may watermark.  Ang Maha...

Mass

Image
San Antonio Abad chapel, Bitin,Bay,Laguna. Ang huling pagdiriwang ng banal na Misa sa araw na ito sa parokya ni San Agustin ay naganap dito sa baryo ng Bitin, Bay, Laguna. Mga 20 hanggang 30 minuto ang layo sa pamparokyang simbahan. Marami ang nagsisimba dito. Isa ito sa mga baranggay chapel na may Misa pag araw ng Linggo. Isang dahilan ng pagdami ng tao rito ay ang pagkaroon ng geothermal plant. Siyempre pag may trabaho hindi maiiwasan na dumami rin ang titigil upang dito manirahan.