Posts

Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Mangangaral 3, 1-11 Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral Ang lahat ng pangyayari sa daigdig ay nagaganap sa panahong itinakda ng Diyos. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim, Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo. Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon; ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon. Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi; ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita. Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot; ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan. Ano ang mapapala ng tao sa kanyang ginagawa? Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. ...

Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Mangangaral 1, 2-11 Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral Walang kabuluhan, walang halaga ang lahat ng bagay. Magpakahirap ka man, gumawa man nang gumawa ay wala ring mapapala. Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig. Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga; habang araw na paikut-ikot. Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit di ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan. Ang lahat ng bagay ay nakababagot, hindi makakayang ipaliwanag. Walang sawa ang paningin ng tao; walang tigil ang kanyang pakinig. Ang naganap noon ay nangyayari ngayon. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari. Walang bagong pangyayari sa ibabaw ng daigdig. Ang sabi ng iba, “Halikayo! Ito’y bago.” Ngunit naganap na yaon noong di pa tayo tao. Di na maalaala ang mga nauna. At ang nangyayari ngayon ay malil...

Miyerkules ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, Pari UNANG PAGBASA Kawikaan 30, 5-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Kawikaan “Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya. Huwag mong daragdagan ang kanyang salita pagkat pagsasabihan ka niya na isang sinungaling.” “Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: Huwag akong bayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako’y matuto akong magnakaw at sa gayo’y malapastangan kita.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 118. 29. 72. 89. 101. 104. 163 Salita mo’y aking tanglaw, patnubay ko araw-araw. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong babayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral. Salita mo’y aking tanglaw, patnubay ko araw-araw. Higit pa sa ginto’t pilak nitong buong sanlibutan, ang mabuting idudulot ng bigay mon...

Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Kawikaan 21, 1-6. 10-13 Pagbasa mula sa aklat ng mga Kawikaan Hawak ng Panginoon ang isip ng isang hari at naibabaling niya ito kung saan igawi. Ang akala ng tao lahat ng kilos niya ay wasto ngunit ang Panginoon lang ang nakasasaliksik ng puso. Ang paggawa ng matuwid at kalugud-lugod ay higit na kasiya-siya sa Panginoon kaysa mga handog. Ang masama ay alipin ng kapalaluan, ang ganitong ugali ay kasalanan. Ang mabuting pagbabalak ay pinakikinabangan ngunit ang dalus-dalos na paggawa’y walang kahihinatnan. Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan. Ang isip ng masama’y lagi sa kalikuan kahit na kanino’y walang pakundangan. Parusahan mo ang manlilibak at matututo ang mangmang, pagsabihan mo ang matino, lalong lalawak ang kaalaman. Alam ng Diyos ang nangyayaru sa loob ng buhay ng masama ka siya’y gumagawa ng paraan upang sila’y mapariwara. Ang hindi pumapansin sa hibik ng mahirap daraing din balang araw ngunit walang lilingap. Ang Salit...

Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita

Image
UNANG PAGBASA Efeso 4, 1-7. 11-13 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa lamang ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat. Ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo. Ang iba’y ginawang apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y tagapaghatid ng Mabuting Balita, ang iba’y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang,...

Crossposting sa Facebook Livestreaming

Image
Matagal na akong naglilivestreaming sa pamamagitan ng facebook live sa aking sariling personal account  lalo na sa mga pagdiriwang ng mga misa at mg senibars at retreats. Kaya lang kamakailan naririnig ko ang tinatawag nilang crossposting ng livestreaming. Crossposting at pagpost ng livestreaming sa dalawa o higit pang mga lugar sa facebook o mga pagina. Napagalaman ko rin sa pamamagitan ng pananaliksik na ang crossposting ay hindi pwedeng gawin sa personal accounts at sa isang personal account sa isang pagina ng facebook. Katulad halimbawa sa persona account ko na  https://www.facebook.com/frjessie  at sa isang personal account halimbawa ni Sis Pam Flores , Hindi rin pwede mula sa aking personal account sa isang page na minamanage ko na sa pangalan  ko rin Jessie Somosierra . Crossposting ay maari sa dalawang pagina ng facebook katulad ng personal page ko na Jessie Somosierra at Priest .  Crossposting ay hindi pwedeng gawin sa pamagitan ng mobile stream...

Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Isaias 55, 6-9 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Hanapin ang Panginoon samantalang siya’y inyong makikita Siya ang tawagin habang malapit pa. Ang mga gawain ng taong masama’y dapat nang talikdan, at ang mga liko’y dapat magbago na ng maling isipan; sila’y manunumbalik, lumapit sa Panginoon upang kahabagan, at mula sa Diyos, matatamo nila ang kapatawaran. Ang wika ng Panginoon: “Ang aking isipa’y di ninyo isipan, at magkaiba ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataas sa lupa, ang daa’t isip ko’y hindi maaabot ng inyong akala. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 144, 2-3. 8-9. 17-18 D’yos ay tapat at totoo sa dumadalanging tao. Aking pupurihi’t pasasalamatan ang D’yos araw-araw, di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman. Dakila ang Poon, at karapat-dapat na siya’y purihin; ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain. D’yos ay tapat at totoo sa dumadalanging tao. Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag. Banayad ...