Genesis 2

2 Sa gayon nilikha ang langit at  lupa, at lahat ng nakakabit sa mga ito. At sa Ikapitong Araw, natapos ng Diyos ang kanyang trabaho, at nagpa­hinga sa araw na iyon sa lahat niyang gawain. Pinagpala ng Diyos ang Ikapitong Araw at pinabanal iyon, sapagkat sa araw na iyon siya nagpa­hinga sa lahat niyang gawain sa pag­likha. Ganito ni­likha ang langit at lupa.
Pangalawang paglalahad ng paglikha

 Nang gawin ni Yawe-Diyos ang lupa at mga langit, wala pang anumang palum­pong ni halamang-ligaw na sumi­sibol sapagkat hindi pa nagpapaulan sa lupa si Yawe-Diyos, at wala pang taong mag­bubungkal ng lupa. Ngunit may tubig na bumukal mula sa lupa at dinilig iyon.

Pagkatapos ay hinubog ni Yawe-Diyos ang Tao mula sa alabok ng lupa, at ini­hinga sa ilong nito ang hininga ng buhay, at nabuhay ang Tao. Nagtanim ang Di­yos ng isang hardin sa Eden, sa silangan; at doon niya inilagay ang Taong kanyang hinubog. Pinasibol ni Yawe-Diyos sa lupa ang lahat ng punong­­kahoy na maganda sa tingin at mabuting kainin. At inilagay niya sa gitna ng hardin ang Puno ng Bu­hay at ang Puno ng Kaalaman tungkol sa Mabuti at Masama.

10 Umagos ang isang ilog mula sa Eden na dumilig sa hardin, at mula roo’y nagsanga ito sa apat. 11 Pison ang pa­nga­lan ng unang ilog. Umaagos ito sa buong lupain ng Evila na kina­roroonan ng ginto, 12 ng lantay na ginto, mga mamahaling hiyas at mababa­ngong dagta ng puno. 13 Gihon naman ang pangalan ng ikala­wang ilog. Ito ang umaagos sa buong lu­pain ng Kus. 14 Ang pangalan ng ikatlong ilog ay Tigris. Uma­agos naman ito sa si­la­ngan ng Asi­ria. At ang Eufrates ang ikapat na ilog.

15 Kinuha ni Yawe-Diyos ang Tao at inilagay sa hardin ng Eden upang bung­kalin at alagaan iyon. 16 Pagkatapos ay inutusan ng Diyos ang Tao: “Kanin mo ang bunga ng lahat ng puno sa hardin, 17 ngunit huwag mong kakanin ang bunga ng Puno ng Kaa­laman tungkol sa Mabuti at Masama, sapagkat sa oras na kanin mo ang bunga niyon ay tiyak na mamamatay ka.”

18 Sinabi ni Yawe-Diyos: “Hindi ma­buti na mag-isa ang Tao; igagawa ko siya ng katulong na tulad niya.”
19 Kaya hinubog ni Yawe-Diyos mula sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at lahat ng ibon sa langit, at iniharap sa Tao ang mga iyon upang ito ang mag­pangalan sa kanila. At anuman ang ita­wag ng Tao ay iyon ang naging panga­lan ng mga ito.

20 Kaya pinangalanan ng Tao ang lahat ng hayop, ang mga ibon sa langit, at mga mababangis na hayop. Ngunit ang Tao’y walang natagpuang katulong na katulad niya sa mga iyon. 21 Kaya pinatulog nang mahimbing ni Yawe-Diyos ang Tao. Kinuha niya ang isa sa mga tadyang nito, at saka tinapalan ng laman ang pinag­kunan niyon. 22 Mula sa tadyang na ki­nuha sa Tao, hinubog ni Yawe-Diyos ang isang babae, at ini­harap ito sa Tao.

23 Pagkatapos ay sinabi ng Tao: “Ito ngayon ang buto ng aking buto, at laman ng aking laman; at tatawagin siyang Babae: oo, galing nga siya sa Lalaki.”

24 Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kan­yang ama at ina, at pipisan sa kanyang maybahay, at sila’y magiging isang la­man.

25 Hubad kapwa ang lalaki at ang kan­yang asawa ngunit hindi sila nahi­hiya.
Ang tukso at ang pagkakasala


Share

Comments