Hosea 14: 2-10
• 2 Magbalik ka, Israel, kay Yaweng iyong Diyos! Nadapa ka sa iyong mga pagkakasala. 3 Maghanda ka ng sasabihin at humarap kay Yawe, at sabihin mong: “Ikaw na nahahabag sa ulila, patawarin mo ang aming mga kasalanan at tanggapin sa iyong kagandahang-loob. Sa halip ng mga toro at mga handog, tanggapin ang papuri mula sa aming mga labi. 4 Hindi kami maililigtas ng Asiria; hindi na kami aasa pa sa mga kabayo, ni muling magsasabing ‘Mga diyos namin’ sa gawa ng aming mga kamay.” 5 Lulunasan ko ang kanilang pagkaligaw at buong puso silang mamahalin pagkat napawi na ang galit ko sa kanila. 6 Magiging para akong hamog sa Israel; mamumulaklak siyang parang liryo. Parang sedro ng Lebanon, mag-uugat siya nang malalim. 7 Uusbong ang kanyang mga supling. Ang ganda niya’y magiging parang sa punong olibo, ang bango’y parang sa sedro ng Lebanon. 8 Muling mananahan ang mga tao sa kanyang lilim. Man...