Posts

Showing posts with the label tao

Sabado sa Ikadalawangpung Dalawang Linggo sa Karaniwan Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 6b-15 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang, “Huwag lalampas sa nasusulat.” Huwag ipagmalaki ninuman ang isa at hamakin naman ang iba. Ano ang kahigtan ninyo sa iba? Hindi ba lahat ng nasa inyo’y kaloob ng Diyos? Kung gayun, bakit ninyo ipinagyayabang na waring hindi kaloob sa inyo? Kayo pala’y nasisiyahan na! Mayayaman na kayo! Kayo pala’y mga hari na – hindi na ninyo kami isinama! Sana nga’y naging hari kayo upang kami nama’y maging hari, kasama ninyo. Sapagkat sa wari ko, kaming mga apostol ay ginawa ng Diyos na maging pinakahamak sa lahat ng tao. Ang katulad namin ay mga taong nahatulan ng kamatayan, isang panoorin ng sanlibutan – ng mga anghel at ng mga tao. Kami’y mga hangal alang-alang kay Kristo; kayo’y marurunong tungkol kay Kristo! Mahihina kami; kayo’y malalakas! Hinahamak kami; kayo’y pinararangalan! Hanggang sa...

Mateo 4, 4b

Image
Mateo 4, 4b Ang tao ay nabubuhay hindi lamang sa tinapay kundi sa Salitang mahal mula sa bibig na banal ng Ama nating Maykapal.

Juan 5, 31-47

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 5, 31-47 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, huwag ninyong tanggapin, ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi. Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patoto ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya. At ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma’y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig, at nakita ang kanyang anyo. Walang pitak sa inyong puso ang kanyang salita, sapagkat hindi kayo nananalig sa akin na sinugo niya. Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan...

Isaias 49, 8-15

Image
Aklat ni propeta Isaias 49, 8-15 Sabi ng Panginoon sa kanyang bayan: “Sa araw ng pagliligtas sa iyo ay lilingapin kita, at tutugunin ang paghingi mo ng saklolo. Babantayan kita at iingatan; sa pamamagitan mo’y gagawa ako ng tipan sa mga tao, ibabalik kita sa sariling lupain na ngayon ay walang kaayusan. Palalayain ko ang nasa bilangguan at bibigyan ng liwanag ang nasa kadiliman. Sila’y matutulad sa mga tupang nanginginain sa magandang pastulan. Hindi sila magugutom ni mauuhaw. Hindi rin daranas Ng matinding init ng sikat ng araw at sa disyerto sapagkat papatnubayan sila noong isa na nagmamahal sa kanila. Sila’y ihahatid niya sa bukal ng tubig. Gagawa ako ng lansangan sa gitna ng mga bundok at ako’y maghahanda ng daan, para siyang daanan ng aking bayan. Darating ang bayan ko buhat sa malayo, mula sa hilaga at sa kanluran, gayun din sa Sevene sa timog.” Kalangitan umawit ka! Lupa, ikaw ay magalak, gayun din ang mga bundok, pagkat inaaliw ng Panginoon ...

Juan 1, 14ab

Image
Purihin and Poong Hesus, salita ng Amang Diyos, mula sa langit nanaog. Naging tao sa pagsakop sa sala ng sansinukob.

Deuteronomio 4, 1. 5-9

Image
Aklat ng Deuteronomio 4, 1. 5-9 Nagsalita si Moises sa mga tao: “Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo nang matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. “Ngayon nga’y itinuturo ko sa inyo ang mga tuntuning ito upang sundin. Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayun makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at lawak ng pang-unawa. Sa gayun, hindi nila mapipigilang sabihin ang ganito: ‘Ang bansang ito’y matalino at may malawak na pagkaunawa.’ “Sinong diyos ng ibang bansa ang handang tumulong anumang oras liban sa Panginoon? Aling bansa ang may tuntuning kasing inam ng mga tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon? Ngunit kaiingat kayo. Ang mga bagay na inyong nasaksihan ay huwag ninyong kalilimutan o ipagwawalang-bahala habang kayo’y nabubuhay; ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.”

Jeremias 18, 18-20

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias 18, 18-20 Ang sabi ng mga tao: “Iligpit na natin si Jeremias! May mga saserdote namang magtuturo sa atin, mga pantas na magpapayo, at mga propetang magpapahayag ng salita ng Diyos. Isakdal natin siya, at huwag na nating pakinggan ang mga sinasabi niya.” Kaya’t nanalangin si Jeremias, “Panginoon, pakinggan mo ang aking dalangin; batid mo ang binabalak ng mga kaaway ko. Ang kabayaran ba ng kabutihan ay kasamaan? Ano’t naghanda sila ng hukay upang ako’y mabitag? Natatandaan mo kung paano ko sila idinalangin sa iyo upang huwag mong ipalasap sa kanila ang iyong poot.”

Mateo 23, 1-12

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 23, 1-12 Noong panahong iyong, sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanang ng Kautusan ni Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sndin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyo tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila’y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila’y pagpugayan sila sa mga liwasang-bayan, at tawaging guro. Ngunit kayo — huwag kayong patawag na guro, sapagkat iisa ang inyong Guro, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag nin...

Panalangin Laban sa Parusang Kamatayan

Image
Namumuno: Ama, pinagmumulan at tagapagbigay ng buhay, itinataas namin ang aming mga puso at mga hinaing sa Inyo. Tulungan N’yo kami upang bumuo ng isang lipunan na tunay na nagpapahalaga sa buhay sa lahat ng pagkakataon. Ang ating itutugon: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nakararanas ng sákit at hapis dahil sa karahasan at krimen, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nagsasagawa at mga biktima ng karahasan na kapuwa nakikipagtunggali sa galit at poot na kanilang nararanasan, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa basag-basag naming sangkatauhan na iginagapos ng hangaring maghiganti, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa aming sugatang lipunan na inililigaw ng ilusyong dapat kumitil ng buhay upang ipagtanggol ito. Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang aming nagdaramdam na kalooban. Na...

Genesis 6

Image
Mga anak ng Diyos at mga anak ng tao    6   •  1   Nang magsimulang dumami ang tao sa lupa at nagkaroon sila ng mga anak na babae,  2   napansin ng mga anak na lalaki ng Diyos na magaganda ang mga anak na babae ng tao. At kinuha nila bilang asawa ang sinu­mang mapusuan nila.  3   Sinabi ni Yawe: “Hindi habang panahong mananatili ang aking espi­ritu sa tao sapagkat siya nga­yo’y laman na lamang. Hanggang isandaa’t dala­wam­pung taon lamang aabot ang kanyang buhay.”  4  May mga higante sa lupa nang panahong iyon at maging pag­ka­raan noon, nang makipisan ang mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng tao at nag­ka­anak sa mga ito. Sila ang mga bayani ng nag­daang panahon, ang mga tanyag na tao. Ang baha •   5   Nakita ni Yawe na labis na ang kala­pas­tanganan ng mga tao sa lupa at wala nang laman ang puso kundi kasamaan sa lahat ng araw.  6   Pinagsisihan ni Yawe kung bakit nilikha pa niya ang tao sa ...

Mateo 11:25-30

Image
•   25  Nagsalita si Jesus sa pagkaka­taong iyon: “Pinu­puri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapag­kat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. 26  Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. 27  Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang la­hat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at wa­lang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinu­mang gustuhing pagbun­yagan ng Anak. 28  Lumapit sa akin, lahat kayong nahi­hirapan at may pinapasan, at pagi­gin­hawahin ko kayo. 29  Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at ma­babang-loob, at maka­ka­tagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. 30  Sapagkat mahu­say ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”

Genesis 2

Image
2   1  Sa gayon nilikha ang langit at  lupa, at lahat ng nakakabit sa mga ito.   2  At sa Ikapitong Araw, natapos ng Diyos ang kanyang trabaho, at nagpa­hinga sa araw na iyon sa lahat niyang gawain.   3  Pinagpala ng Diyos ang Ikapitong Araw at pinabanal iyon, sapagkat sa araw na iyon siya nagpa­hinga sa lahat niyang gawain sa pag­likha.   4  Ganito ni­likha ang langit at lupa. Pangalawang paglalahad ng paglikha •  Nang gawin ni Yawe-Diyos ang lupa at mga langit,  5  wala pang anumang palum­pong ni halamang-ligaw na sumi­sibol sapagkat hindi pa nagpapaulan sa lupa si Yawe-Diyos, at wala pang taong mag­bubungkal ng lupa.  6  Ngunit may tubig na bumukal mula sa lupa at dinilig iyon. 7  Pagkatapos ay hinubog ni Yawe-Diyos ang Tao mula sa alabok ng lupa, at ini­hinga sa ilong nito ang hininga ng buhay, at nabuhay ang Tao.  8  Nagtanim ang Di­yos ng isang hardin sa Eden, sa silangan; at doon niy...

Lukas 17:26-37

Image
S inabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Tulad ng nangyari sa panahon ni Noe, gayundin sa mga araw ng Anak ng Tao. Kumakain sila at umiinom, nag-aasawa ang mga lalaki at mga babae, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha na pumuksa sa lahat. Tulad sa panahon ni Lot: kumakain sila at umiinom, nagtitinda at namimili, nagtatanim at nagtatayo. At nang lumabas si Lot mula sa Sodom, nagpaulan ang Diyos mula sa Langit ng apoy at asupre na pumuksa sa lahat. Ganito rin sa araw na ibubunyag ang Anak ng Tao. “Sa araw na iyon, huwag nang bumaba pa sa bahay ang nasa terasa para kunin ang kanyang mga gamit at huwag nang umuwi pa ang nasa bukid. Alalahanin n’yo ang asawa ni Lot. Mawalan ng kanyang sarili ang sinumang nagsisikap na magligtas nito at ang mawawalan naman ng sarili ang magsisilang nito sa buhay. “Sinasabi ko sa inyo: kung may dalawa sa isang higaan sa gabing iyon, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa; kung may dalawang babaeng magkasamang gumigiling, dadalhin ...