Posts

Showing posts with the label masama

Jeremias 11, 18-20

Image
Aklat ni propeta Jeremias 11, 18-20 Ipinabatid sa akin ng Panginoon ang masamang balak laban sa akin ng mga kaaway ko. Ako’y parang maamong tupang dinadala sa patayan at hindi ko nalalamang may masamang balak pala sila sa akin. Wika nila, “Putulin natin ang puno habang malusog; patayin natin siya nang wala nang makaalaala pa sa kanya.” At dumalangin si Jeremias, “Panginoon, ikaw ay hukom na makatarungan. Nababatid mo ang isipan at damdamin ng bawat tao. Ikaw ang maghiganti sa mga taong ito; ipinauubaya ko po sa iyo ang aking gawain.”

Juan 5, 17-30

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 5, 17-30 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Ang aking Ama’y patuloy sa paggawa, at gayun din ako.” Lalong pinagsikapan ng mga Judio na patayin siya sapagkat nilabag na niya ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga ay sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayo’y ipinapantay ang sarili sa Diyos. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “Dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak, at ipinakikita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga ito ang mga gawang ipakikita sa kanya ng Ama at manggigilalas kayo. Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayun din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parang...

Isaias 1, 10. 16-20

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias 1, 10. 16-20 Mga pinuno ng Sodoma, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon; mga namamayan sa Gomorra. pakinggan ninyo ang aral ng ating Diyos. Magpakabuti na kayo, magbalik-loob sa akin; talikdan na ninyo ang masasamang gawain. Tumigil na kayo ng paggawa ng masama. Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti; pairalin ang katarungan; itigil ang pang-aapi; tulungan ang mga ulila; ipagtanggol ang mga balo. “Halikayo at magliwanagan tayo, gaano man karami ang inyong kasalanan, handa akong ipatawad ang lahat ng iyan, kahit na kayo’y maruming-marumi sa kasalanan, kayo’y magiging busilak sa kaputian. Kung kayo’y susunod at tatalima, pasasaganain ko ang ani ng inyong lupain. ngunit kung magpapatuloy kayo sa inyong pagsuway ay tiyak na kayo’y mamamatay.” Ito ang sabi ng Panginoon.

Ezekiel 18, 21-28

Image
Aklat ni propeta Ezekiel 18, 21-28 Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang taong masama ay tumalikod sa kanyang kasamaan, sumunod sa aking mga tuntunin, at gumawa ng mabuti, siya ay mabubuhay. Kakalimutan na ang lahat ng nagawa niyang kasalanan at mabubuhay siya dahil sa kabutihang ginawa niya sa bandang huli. Hindi ko ikinasisiya ang kamatayan ng masama,” sabi pa ng Panginoon, “Ang ibig ko nga, siya’y magsisi at magbagong buhay. Ngunit kung ang isang taong matuwid ay magpakasama at gumawa ng mga kasuklam-suklam na gawain, hindi siya mabubuhay. Mamamatay siya dahil sa kanyang pagtataksil at sa kasalanang nagawa. Mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng kabutihang ginawa niya noong una. “Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko. Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot. Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa niya. At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay ...

Genesis 2:7-9; 3:1-7

Image
Aklat ng Genesis 2:7-9; 3:1-7 Nilikha ng Diyós ang tao mula sa alabok, hiningahan sa ilong, at nagkaroon ng buhay. Naglagay ang Panginoón ng isang halamanan sa Eden, sa dakóng silángan, at doon dinala ang taong kaniyáng nilalang. Pinasibol niyá roon ang lahát ng uri ng kahoy na nakalulugod sa paningin at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan, naroroon ang punong nagbibigay-buhay, at ang punong nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Ang ahas ang pinakatuso sa lahát ng hayop na nilikha ng Panginoón. Minsa’y tinanong nito ang babae, “Totoo bang sinabi ng Diyós na huwag kang kakain ng ano mang bungang- kahoy sa halamanan?" Tumugon ang babae, “Hindi naman! Ipinakakain sa amin ang ano mang bunga sa halamanan, huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon, mamamatay kami." “Hindi totoo iyan, hindi kayó mamamatay,” wika ng ahas. “Gayon ang sabi ng Diyós, sap...

Genesis 3

Image
3    •  1  Pinakatuso ang ahas sa lahat ng mababangis na hayop na ginawa ni Yawe-Diyos. Sinabi nito sa babae: “Sinabi ba talaga ng Diyos – Hindi kayo dapat kumain ng bunga ng alinmang puno sa hardin?”  2  Sinabi ng babae sa ahas: “Ma­kakain namin ang mga bunga ng mga puno sa hardin,  3  ngunit para sa bunga ng punong nasa gitna ng hardin sinabi ng Diyos – Huwag ninyong kakanin iyon ni hipuin man lang, kung hindi’y mama­matay kayo.” 4  Sinabi ng ahas sa babae: “Hindi kayo mamamatay,  5  ngunit alam ng Diyos na sa oras na kainin ninyo iyon, mamumulat ang inyong mga mata at matutulad kayo sa mga diyos na alam ang mabuti at ma­sama.” 6  Sa tingin ng babae ay katakam-takam ang bunga ng puno at masarap kainin – at tunay na magandang pa­raan upang magtamo ng kaalaman. Kaya pumitas siya ng mga bunga niyon at kumain, at inabutan niya ka­agad ang kanyang asawa na kasama niya. At kumain din iyon. 7  Namulat sila kapwa...

Genesis 2

Image
2   1  Sa gayon nilikha ang langit at  lupa, at lahat ng nakakabit sa mga ito.   2  At sa Ikapitong Araw, natapos ng Diyos ang kanyang trabaho, at nagpa­hinga sa araw na iyon sa lahat niyang gawain.   3  Pinagpala ng Diyos ang Ikapitong Araw at pinabanal iyon, sapagkat sa araw na iyon siya nagpa­hinga sa lahat niyang gawain sa pag­likha.   4  Ganito ni­likha ang langit at lupa. Pangalawang paglalahad ng paglikha •  Nang gawin ni Yawe-Diyos ang lupa at mga langit,  5  wala pang anumang palum­pong ni halamang-ligaw na sumi­sibol sapagkat hindi pa nagpapaulan sa lupa si Yawe-Diyos, at wala pang taong mag­bubungkal ng lupa.  6  Ngunit may tubig na bumukal mula sa lupa at dinilig iyon. 7  Pagkatapos ay hinubog ni Yawe-Diyos ang Tao mula sa alabok ng lupa, at ini­hinga sa ilong nito ang hininga ng buhay, at nabuhay ang Tao.  8  Nagtanim ang Di­yos ng isang hardin sa Eden, sa silangan; at doon niy...

Lukas 6:27-38

Image
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Sinabi ko sa inyong mga nakikinig: mahalin n’yo ang inyong mga kaaway, gawan n’yo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ang mga sumusumpa sa inyo, ipagdasal ang mga tumatrato sa inyo ng masama? “Kaya gawin n’yo sa mga tao ang gusto n’yong gawin nila sa inyo. “Kung minamahal n’yo ang mga umiibig sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Minamahal din ng mga makasalanan ang mga nagmamahal sa kanila. Kung ginagawa n’yo ang mabuti sa mga gumagawa nito sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Iyon din ang ginagawa ng mga makasalanan?. “Sa halip ay mahalin n’yo ang inyong mga kaaway; gumawa kayo ng mabuti at magpautang na walang inaasahang anuman. Kaya gagantimpalaan kayo ng malaki at magiging mga anak ng Kataas-taasan dahil butihin siya sa mga walang-utang-na loob at masasama. Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain. “Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan; huwag n’yong sumpain ang sinuman, at hindi kayo susumpain; magpatawad kayo,...