Posts

Showing posts with the label ibon

Genesis 2

Image
2   1  Sa gayon nilikha ang langit at  lupa, at lahat ng nakakabit sa mga ito.   2  At sa Ikapitong Araw, natapos ng Diyos ang kanyang trabaho, at nagpa­hinga sa araw na iyon sa lahat niyang gawain.   3  Pinagpala ng Diyos ang Ikapitong Araw at pinabanal iyon, sapagkat sa araw na iyon siya nagpa­hinga sa lahat niyang gawain sa pag­likha.   4  Ganito ni­likha ang langit at lupa. Pangalawang paglalahad ng paglikha •  Nang gawin ni Yawe-Diyos ang lupa at mga langit,  5  wala pang anumang palum­pong ni halamang-ligaw na sumi­sibol sapagkat hindi pa nagpapaulan sa lupa si Yawe-Diyos, at wala pang taong mag­bubungkal ng lupa.  6  Ngunit may tubig na bumukal mula sa lupa at dinilig iyon. 7  Pagkatapos ay hinubog ni Yawe-Diyos ang Tao mula sa alabok ng lupa, at ini­hinga sa ilong nito ang hininga ng buhay, at nabuhay ang Tao.  8  Nagtanim ang Di­yos ng isang hardin sa Eden, sa silangan; at doon niy...

Lukas 13:18-21

Image
Sinabi ni Jesus: “Ano ang katulad ng Kaharian ng Diyos? Sa ano ito maikukumpara? Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin: lumaki, naging parang puno at sumisilong sa kanyang mga sanga ang mga ibon ng Langit.” At sinabi niya uli: “Sa ano ko ikukumpara ang Kaharian ng Diyos? Katulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” Source: Radio Veritas