Posts

Showing posts with the label likha

Genesis 2

Image
2   1  Sa gayon nilikha ang langit at  lupa, at lahat ng nakakabit sa mga ito.   2  At sa Ikapitong Araw, natapos ng Diyos ang kanyang trabaho, at nagpa­hinga sa araw na iyon sa lahat niyang gawain.   3  Pinagpala ng Diyos ang Ikapitong Araw at pinabanal iyon, sapagkat sa araw na iyon siya nagpa­hinga sa lahat niyang gawain sa pag­likha.   4  Ganito ni­likha ang langit at lupa. Pangalawang paglalahad ng paglikha •  Nang gawin ni Yawe-Diyos ang lupa at mga langit,  5  wala pang anumang palum­pong ni halamang-ligaw na sumi­sibol sapagkat hindi pa nagpapaulan sa lupa si Yawe-Diyos, at wala pang taong mag­bubungkal ng lupa.  6  Ngunit may tubig na bumukal mula sa lupa at dinilig iyon. 7  Pagkatapos ay hinubog ni Yawe-Diyos ang Tao mula sa alabok ng lupa, at ini­hinga sa ilong nito ang hininga ng buhay, at nabuhay ang Tao.  8  Nagtanim ang Di­yos ng isang hardin sa Eden, sa silangan; at doon niy...

Genesis 1

Image
1 •  1  Nang simulang likhain ng Diyos      ang langit at lupa,   2  ang lupa ay walang anyo at walang nabu­buhay. Nababalot ng kadiliman ang kailaliman at aali-aligid ang espi­ritu ng Diyos sa iba­baw ng mga tubig. 3  Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwa­nag,” at nagkaroon ng liwanag.   4  Minas­dan ng Diyos ang liwanag – at iyon nga ay mabuti – at inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman.   5  Tinawag ng Diyos na “Araw” ang liwanag, at “Gabi” ang kadiliman. Gumabi at umu­maga: ang Unang Araw. 6  Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng ma­tibay na sahig sa pagitan ng mga tubig upang paghiwalayin ang mga tubig sa kapwa-tubig.”   7  Sa gayon, gina­wa ng Diyos ang sahig na naghi­hiwalay sa tubig na nasa silong nito at sa tubig na nasa ibabaw nito. At gayon nga ang nang­yari.  8  Tinawag ng Diyos na “Langit” ang matibay na sahig. Guma­bi at umu­maga: ang Ikalawang Araw. 9  Sinabi ng Diy...