Posts

Showing posts with the label 4

Sulat para sa mga kongresista ng apat na distrito ng laguna

Image
(Babasahin sa lahat ng Misa sa mga parokya na nasasakupan ng Diyosesis ng San Pablo) An Open Letter to the Congressmen of the Four Districts of Laguna Mga minamahal Naming Kongresista ng Laguna, Ang pagpapasa ng House Bill 4244  -- o ng  Reproductive Health Bill  -- sa ikalawang pagbasa nito noong ika-13 ng Disyembre ay nakapanlulumo at nakalulungkot. Subalit hindi ito nakapanghihina sa determinasyon ng Simbahan na patuloy na ipaglaban ang buhay at karapatan ng tao. "Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman" (Juan 1:5). Sa usaping ito, isinaalang-alang sana ang katotohanan na " ang ikabubuti ng lahat ng lipunan ay hindi isang layunin sa kanyang sarili; ito ay may halaga lamang kung ito ay may kinalaman sa pagkakamit ng pinaka-huling layunin (ultimate ends) ng tao at ng pangkalahatang ikabubuti ng buong sangnilikha"  ( Compendium of the Social Doctrines of the Church , 170). Ang posibilidad ng pagbubuo at pagkakaroon ...

Miyerkules - Enero 4, 2012

Image
Miyerkules - Enero 4, 2012 Genesis 8–10 Wala nang Baha 1 Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at ang lahat ng hayop na kasama niya sa malaking barko. Kaya't pinaihip niya ang hangin, at nagsimulang humupa ang tubig. 2 Huminto ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan. 3 Patuloy na humupa ang tubig, at pagkaraan ng 150 araw ay mababa na ang baha. 4 Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan. 5 Patuloy ang paghupa ng tubig at nang unang araw ng ikasampung buwan, lumitaw ang taluktok ng mga bundok. 6 Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng barko na kanyang ginawa. 7 Pinalipad niya ang isang uwak at ito'y nagpabalik-balik hanggang matuyo ang tubig sa lupa. 8 Pagkatapos nito, pinalipad naman niya ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig. 9 Palibhasa'y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya't nagbalik ito at muling ipinasok ni Noe sa barko. 10 Pitong araw pang naghinta...

Linggo - Disyembre 18, 2011 Ika-4 Linggo ng Adbiyento

Image
Linggo - Disyembre 18, 2011 Ika-4 Linggo ng Adbiyento Unang Pagbasa 2 Samuel 7:1-16 Ang Kasunduan ng Diyos kay David 1 Si David ay panatag nang nakatira sa kanyang palasyo. Sa tulong ni Yahweh, hindi na siya ginambala ng kanyang mga kaaway. 2 Tinawag niya si Natan at sinabi, "Ang tahanan ko'y yari sa sedar, samantalang nasa isang tolda lamang ang Kaban ng Diyos." 3 Sumagot si Natan, "Isagawa mo ang iyong iniisip, sapagkat si Yahweh ay sumasaiyo." 4 Ngunit nang gabi ring iyon, sinabi ni Yahweh kay Natan, 5 "Pumunta ka kay David na aking lingkod at sabihin mo, 'Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan? 6 Mula nang ilabas ko sa Egipto ang Israel, wala pa akong bahay na masasabing akin. Hanggang ngayo'y tolda pa ang aking tahanan. 7 Kahit lagi akong kasama ng Israel, wala akong sinabing anuman sa sinumang pinuno tungkol sa tahanang sedar na dapat kong tirhan, gayong ako ang pumili sa kanila upang mamahala sa aking kawan.'...