Posts

Showing posts with the label Mateo 25

Linggo - Nobyembre 20, 2011,Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan

Image
Linggo - Nobyembre 20, 2011     Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan Unang Pagbasa                              Ezekiel 34: 11-17 Si Yahweh ang Mabuting Pastol                 11 Ito ang ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: "Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking mga tupa.  12 Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon ko hahanapin ang aking tupa. Kukunin ko sila saanman sila itinapon noong panahon ng kanilang kasamaan.  13 Titipunin ko sila mula sa iba't ibang dako upang ibalik sa sarili nilang bayan. Doon ko sila aalagaan sa kaparangan ng Israel, sa tabi ng mga bukal ng tubig at sa magagandang pastulan. 14 Aalagaan ko sila sa sariwang pastulan sa tahimik na kaburulan ng Israel. Mamamahinga sila sa sariwang pastulan at mangingin...

Mga Pagbasa sa ika 33 Linggo ng Karaniwang Panahon

Image
Unang Pagbasa                           Kawikaan 31: 10-31 Ang Huwarang Maybahay 10 Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. 11 Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya. 12 Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan. 13 Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana. 14 Tulad ng isang barkong puno ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar. 15 Bago pa sumikat ang araw ay inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ang gawain ng mga katulong sa bahay. 16 Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas. 17 Gayunma'y naiingatan ang kamay at katawan upang matupad ang lahat ng kanyang tun...