Posts

Showing posts with the label bansa

Mensahe ng Santo Papa sa Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Nagkakaisang Bansa

Image
Ito po ay ang pagsasalin sa Mensahe ng Kagalang galang na Papa Francisco sa kanyang pahayag sa United Nations General Assembly noong Setyembre 2020, Ipinadala niya ang kanyang video na nasa wikang espaƱol. Ang kanyang video ay matatagpuan sa you tube channel ng Vatican . Ang nasusulat na Inglis bersyon ay matatagpuan dito Ito ay pangalawang pagkakataong nagsalita ang Santo Papa sa pangkalahatang pagpupulong. Naiiba nga lang ngayon at ito at online gawa ng Covid 19 pandemic. Ang una niyang pagsasalita ay exaktong limang taon na ang nakakalipas, Setyembre 25, 1995. Ito po ay ika- anim na pagkakataon na ang lider ng Simbahang Katolika na nakaluluk sa upuan ni San Pedro ay nagsalita sa Kalipuna mg mga Bansa. Ang Papa Paulo VI noong 1964, Papa Juan Paulo II noong 1979 at 1995 at Papa Benedicto XVI noong 2008. Ginoong  Pangulo, Kapayapaan nawa sa inyong lahat! Nag-aalok ako ng mainit na  pagbati sa iyo,  G. Pangulo, at sa lahat ng mga Delegasyon na nakikilahok sa makabuluha...

Exodo 32, 7-14

Image
Aklat ng Exodo 32, 7-14 Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Balikan mo ngayon din ang mga Israelitang inialis mo sa Egipto, naroon at nagpapakasama. Tinalikdan nila agad ang mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila’y iyon ang diyos na nag-alis sa kanila sa Egipto. Kilala ko ang mga taong iyan at alam kong matigas ang kanilang ulo. Kung gusto mo, lilipulin ko sila at iyo ko pagmumulain ang isang malaking bansa.” Nagsumamo si Moises sa Panginoon, “Huwag po! Huwag ninyong lilipulin ang mga taong inialis ninyo sa Egipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Kapag nilipol ninyo sila, masasabi ng mga Egipcio na ang mga Israelita’y inialis ninyo sa Egipto upang lipulin sa kabundukan. Huwag na po kayong magalit sa kanila at huwag na ninyong ituloy ang inyong balak laban sa kanila. Alalahanin ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako ninyo sa kanila na ang lahi nila’y para...

Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17

Image
Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17 Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Sa paglabas namin sa bansang mabagsik, ganito ang wika na aking narinig: “Mabigat mong dalay aking iniibis, ipinababa ko ang pasaning basket. Iniligtas kita sa gitna ng hirap, iniligtas kita nang ika’y tumawag. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Tinugon din kita sa gitna ng kidlat, at sinubok kita sa Batis Meriba. Kapag nangungusap, ako’y inyong dinggin, sana’y makinig ka, O bansang Israel. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Ang diyus-diyusa’y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa’y di dapat luhuran. Ako’y Panginoon, ako ang Diyos mo, Ako ang tumubos sa ‘yo sa Egipto. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Ang tangi kong hangad, sana ako’y sundin, sundin ang utos ko ng bayang Israel; ang lalong mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo’y ipapakain ko; at ang gusto nin...

Roma 4, 13. 16-18. 22

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 4, 13. 16-18. 22 Mga kapatid, ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila and sanlinutan, hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan kundi sa kanyang pananalig sa Diyos at sa gayo’y siya’y pinawalang-sala. Kaya nga, ang pangako ay nababatay sa pananalig upang ito’y maging isang kaloob sa lahi ni Abraham-hindi lamang sa mga sumusunod sa Kautusan kundi sa lahat ng nananalig sa Diyos, tulad niya, yamang siya ang ama nating lahat. Ganito ang nasusulat: “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito ay may bisa sa harap ng Diyos na kanyang pinanaligan, ang Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumikha sa lahat ng bagay. Bagamat wala nang pag-asang magkaanak, nanalig pa rin si Abraham na siya’y magiging ama ng maraming bansa, ayon sa sinabi sa kanya, “Kasindami ng bituin ang magiging lahi mo.” Kaya’t dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala.

Mateo 21, 33-43. 45-46

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 21, 33-43. 45-46 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang parte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nagusap-usap: ‘Ito ang tagapagma...

Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh

Image
Aklat ni Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh Noong mga araw na iyon, labis na nababagabag si Reyna Ester. Dumulog siya sa Panginoon. Ganito ang daing niya sa Panginoong Diyos ng Israel: “Panginoon ko, tanging ikaw ang Hari namin. Tulungan mo ako na ngayo’y nag-iisa at walang ibang maaasahang tutulong kundi ikaw lamang. Haharap ako sa napakalaking panganib. Mula pa sa aking pagkabata, narinig ko na sa liping kinabibilangan ng aking angkan na ikaw, Panginoon, ang humirang sa Israel mula sa dinami-rami ng mga bansa, at ikaw din ang sa panahong iyon ay pumili sa aming mga magulang upang maging iyong bayan magpakailanman. Tinupad mo ang lahat ng iyong ipinangako sa kanila. “Alalahanin mo kamo, Panginoon. Ipadama mo sa amin ang iyong paglingap sa sandaling ito ng kagipitan. Bigyan mo ako ng lakas ng loob, Hari ng lahat ng mga dinidiyos at Pinuno ng lahat ng kapangyarihan sa lupa. Bigyan mo ako ng kakayahang magsalita sa harap ng leong si Asuero, upang maakit ang kanyang puso na ma...