Genesis 4
Cain at Abel 4 • 1 Nakipagtalik ang Tao sa kanyang asawang si Eva; naglihi si Eva at ipinanganak niya si Cain – sapagkat sinabi niyang “ Nagkamit ako ng isang lalaki sa tulong ni Yawe.” 2 Pagkatapos, isinilang niya si Abel na kapatid ni Cain. Isang pastol ng mga tupa si Abel, at magsasaka naman si Cain. 3 Pagkaraan ng ilang panahon, naghandog si Cain kay Yawe ng mga ani ng lupa. 4 At naghandog din si Abel: inialay niya ang mga unang anak ng kanyang kawan at sinunog ang mga taba niyon. Nasiyahan si Yawe kay Abel at sa handog nito, 5 pero hindi siya nasiyahan kay Cain at sa handog nito. Ikinagalit na lubha ito ni Cain at siya’y nalungkot. 6 At sinabi ni Yawe kay Cain: “Bakit ka galit at malungkot? 7 Kung gagawa ka ng mabuti, ika’y mamabutihin. Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, nag-aabang sa pintuan ang kasalanan. Handa siyang sugurin ka, ngunit ikaw ang dapat maka...