Posts

Showing posts with the label kalooban

Pagtatalaga sa Kamahal-Mahalang puso ni Hesus (Santa Margaret Mary Alocoque)

Image
Tagalog ( Translation is Mine w/o Ecclesiastical Approval) Sa Sagradong Puso ni Hesus, ibinibigay ko ang aking sarili at inilaan sa Banal na Puso ng ating Panginoong Hesukristo, ang aking katauhan at ang aking buhay, ang aking mga kilos, sakit at pagdurusa, upang maaari di magamit ang anumang bahagi ng aking pagkatao. maliban sa parangalan, mahalin at luwalhatiin ang Sagradong Puso. Ito ang aking hindi nagbabago na layunin, ibig sabihin, maging lahat ng Kanya, at gawin ang lahat ng mga bagay para sa pag-ibig Niya, at sabay na talikuran ng buong puso ko ang anumang hindi kanais-nais sa Kanya. Dinadala Ko Kayo, O Sagradong Puso, na maging tanging layunin ng aking pag-ibig, tagapag-alaga ng aking buhay, aking katiyakan ng kaligtasan, ang lunas ng aking kahinaan at pagkakabagabag, ang pagbibigay katarungan sa sala para sa lahat ng mga pagkakamali ng aking buhay at ang aking tiyak na kanlungan sa oras ng kamatayan. Kung gayon, Oh Pusong kabutihan, aking katuwiran sa harap ng Diyos Ama, at...

Juan 5, 17-30

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 5, 17-30 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Ang aking Ama’y patuloy sa paggawa, at gayun din ako.” Lalong pinagsikapan ng mga Judio na patayin siya sapagkat nilabag na niya ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga ay sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayo’y ipinapantay ang sarili sa Diyos. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “Dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak, at ipinakikita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga ito ang mga gawang ipakikita sa kanya ng Ama at manggigilalas kayo. Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayun din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parang...

Panalangin Laban sa Parusang Kamatayan

Image
Namumuno: Ama, pinagmumulan at tagapagbigay ng buhay, itinataas namin ang aming mga puso at mga hinaing sa Inyo. Tulungan N’yo kami upang bumuo ng isang lipunan na tunay na nagpapahalaga sa buhay sa lahat ng pagkakataon. Ang ating itutugon: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nakararanas ng sákit at hapis dahil sa karahasan at krimen, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nagsasagawa at mga biktima ng karahasan na kapuwa nakikipagtunggali sa galit at poot na kanilang nararanasan, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa basag-basag naming sangkatauhan na iginagapos ng hangaring maghiganti, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa aming sugatang lipunan na inililigaw ng ilusyong dapat kumitil ng buhay upang ipagtanggol ito. Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang aming nagdaramdam na kalooban. Na...

Mateo 12:46-50

Image
Nagsasalita pa si Jesus sa mga tao nang dumating ang kanyang ina at mga kapatid para makipag-usap sa kanya, at naghihintay sila sa labas. Kaya may nagsasabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; gusto ka nilang makausap.” Sumagot si Jesus na nagsabi sa kanya: “Sino ang aking ina? Sino ang aking mga kapatid?” At itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi: “Narito ang aking ina at mga kapatid. Ang nagsasagawa sa kalooban ng aking Ama sa Langit ang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina.”

Santa Catherine Tekakwitha

Image
Si Beata  Kateri Tekakwitha (1656-1680), na kilala rin bilang Beata Catherine o Katerina Tekakwitha, ay kabilang sa 7 na maging   Banal o Santo at Santa kasama ng Pilipinong Pedro Calungsod sa pamamagitan ni Papa Benedito XVI sa Oktubre 21. "Tayo ay binigyan ng inspirasyon sa pananampalataya sa pamamagitan ng halimbawa ng  batang babae ito   na namatay tatlong siglo na ang  nakalipas sa taong ito. Lahat ay nabigyan ng isang magandang halimbawa sa pamamagitan ng kanyang buong pagtiwala sa kalooban ng  ng Diyos, at tayo ay hinihikayat sa pamamagitan ng kanyang nagagalak na katapatan sa Ebanghelyo ng ating Panginoong Hesukristo, "komento ni John Paul II sa okasyon ng kanyang pagkabeata noong 1980. "Dapat paalalahanan tayo ng kanyang pagiging beata na ang lahat ay tinatawag na sa isang buhay ng kabanalan, mula  sa ating binyag, ang Diyos pinili sa bawat isa sa atin" upang maging banal at walang bahid at upang mabuhay sa pamamagita...

Ang Pangako ng Buhay

Image