Posts

Showing posts with the label liham

“Pero tingnan ninyo kung paano ipinakikita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin: namatay si Kristo para sa atin noong makasalanan pa tayo.” (Roma 5:8)

Image
Liham Pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Ukol sa Parusang Kamatayan “Pero tingnan ninyo kung paano ipinakikita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin: namatay si Kristo para sa atin noong makasalanan pa tayo.” (Roma 5:8) Ngayong Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo ayon kay San Juan ay nangungusap sa atin kung paanong ang isang Samaritana - na natagpuan kay Hesus, ang tubig na nagbibigay-buhay na matagal na niyang hinahangad- ay iniwan ang kanyang banga sa balon (Juan 4:28).Gaya ng Samaritana, ang mga Israelita na may katigasan ng puso sa Unang Pagbasa,na halos mamatay na sa matinding pagkauhaw sa disyerto,ay dinala patungo sa isang bato (Exodo 17:6). Marahil ay maaari nating isipin na ang batong ito ay si Hesus mismo na pinahirapan at pinagpakasakit sa Krus ngunit sa Kanya’y dumaloy ang tubig na nagbibigay buhay. Dahil kay Hesus, naging ganap sa Bayan ng Diyos ang pagtawid sa tigang na disyerto ng galit, kasalanan at kamataya...

Liham Pastoral sa Pagdiriwang ng Taon ng Pananampalataya

Image
Mga minamahal na kapatid kay Kristo, Ipinahayag ni Papa Benito XVI sa kanyang Liham Apostoliko Porta Fidei ang Taon ng Pananampalataya na pasisimulan sa ika-11 ng Oktubre 2012 at magtatapos sa ika-24 ng Nobyembre 2013, ang Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari. Inaanyayahan ang buong Simbahan na ipagdiwang ang natatanging kaloob ng pananampalataya, na muli itong tanggapin at maligayang ipahayag at ibahagi. Ang minamahal nating Arkidiyosesis ng Maynila ay nakikiisa sa Simbahan sa buong mundo sa pagsalubong sa  Ang Dahilan ng Taon ng Pananampalataya Masusing pinili ang petsa ng pagbubukas ng Taon ng Pananampalataya. Ipinaliliwanag nito ang layunin ng Santo Papa. Ika-limampung anibersaryo ng pagbubukas ng Ikalawang Konsilyo Vaticano (1962) at ika-dalawampung anibersaryo ng pagpapasinaya sa Katesismo ng Simbahang Katoliko (1992) sa ika-11 ng Oktubre 2012. Ang kahalagahan ng dalawang pangyayaring ito ang nagtatakda ng diwa ng Taon ng Pananampalataya. Sa ating panahon, ang Ikalawang ...

Liham Pastoral sa Panahon ng Bagong Ebanghelisasyon

Image
Buhay Kristo, Ibahagi si Kristo Tungo sa ating Ika-Limang Daan Humayo kayo at gawin ninyong mga alagad (Mt. 28:19) Ang kapulungan ng mga obispo ng Pilipinas ay may  sulat pastoral  sa pagbalangkas ng siyam na taonng programa para sa  Bagong Evangelization  simula matapos ang Taon ng Pananampalataya: Masaya naming inaabangan ang panahon na may pasasalamat at kagalakan sa Marso 16, 2021, sa ikalimang ikasandaang taong anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating minamahal na lupain. Tandaan natin na may pagpapasalamat  ang unang Misa sa bantog na Isla ng Limasawa noong Linggo ng Pagkabuhay, Marso 31 na pinagpala taon. Ito rin ang araw ng pagbibinyag ng Raha Humabon na binigayan ng Kristiyanong pangalang Carlos at ang kanyang asawa Hara Amihan sa pangalang Juana noong 1521. Ang ating mga mata ay nakatingala sa Santo Niño de Cebu, ang pinakamatandang rebultong imagen sa Pilipinas, regalo ni Ferdinand Magellan sa unang Katolik...

Bakit umurong ang Simbahan sa pakikipagusap sa Gobyerno Tungkol sa RH Bill

Image
Maraming nagtatanong bakit ang simbahan ay umalis sa pakikipagusap tungkol sa RH bill sa mga nasa Gpbyerno ng Aquino. Ang Pastoral Letter na ito na ipinalabas noong Mayo 11, 2011, ang linggo ng Mabuting Pastol, ang sasagot diyan sa pamamagitan ni Obispo Leonardo C. Legaspi. Pastoral Letter explaining the decision of CBCP to withdraw from talks With Malacañan on HB 4244 “My sheep hear my voice; I know them, and they follow me” (Jn 10: 27) Pastoral Letter explaining the decision of CBCP to withdraw from talks With Malacañan on HB 4244 My dear people of God, As we celebrate this Sunday the Feast of the Good Shepherd, allow me once more to fulfill my obligation as your shepherd in the archdiocese. There remains to be one Good Shepherd, Our Lord Jesus, who urges each of us to conform ourselves with Him, to imitate Him and to follow Him. As your archbishop, it is my duty to help you, in the best of my ability, to make the voice of our Lord clearer and understandable. Only w...