Posts

Showing posts with the label macabeo

Sabado - Nobyembre 19, 2011,Ika-33 na Ordinaryong Linggo

Image
Sabado - Nobyembre 19, 2011      Ika-33 na Ordinaryong Linggo Unang Pagbasa                             1 Macabeo 6: 1-13 Ang Pagkamatay ni Haring Antioco IV                 1 Minsa'y naglalakbay ang Haring Antioco IV sa mga lalawigan sa loob ng bansa. Nabalitaan niya na ang Elymas sa Persia ay kilala dahil sa dami ng pilak at ginto.  2 Ang templo nito ay napakayaman at may mga gintong helmet, kasuotang bakal, at mga sandata. Ang mga ito ay iniwan doon ni Alejandrong anak ni Haring Felipe ng Macedonia, ang kauna-unahang hari sa Grecia.  3 Sa paghahangad ni Antiocong matamo ang mga kayamanang ito, binalak niyang lusubin ang lunsod. Ang balak na ito ay umabot sa kaalaman ng mga tagaroon. Nabigo ang kanyang plano,  4 sapagkat nilabanan siya ng mga tagaroon. Malungkot siyang ...

Huwebes - Nobyembre 17, 2011.Ika-33 na Ordinaryong Linggo

Image
Huwebes - Nobyembre 17, 2011     Ika-33 na Ordinaryong Linggo  (Isabel ng Unggaria) Unang Pagbasa                           1 Macabeo 2: 15-30 Tumangging Sumamba sa Diyus-diyosan                 15 Ang mga opisyal ng hari na inatasang pilitin ang mga taong sumamba sa mga diyus-diyosan ay nagtungo sa lunsod ng Modein upang utusan ang mga tagaroon na maghandog sa mga altar ng pagano.  16 Maraming Israelita ang lumapit at nagtipun-tipon sa paligid nila. Naroon din si Matatias at ang lima niyang anak.  17 Nilapitan si Matatias ng mga kinatawan ng hari at sinabi, "Ikaw ay pinunong iginagalang dito at sinusunod ng iyong mga kamaganak.  18 Manguna ka sa pagtupad sa utos ng hari, gaya ng ginawa ng mga Hentil at ibang mga taga-Judea at Jerusalem. Gawin mo lang ito ay ti...