Posts

Showing posts with the label mamatay

Pagtatalaga sa Kamahal-Mahalang puso ni Hesus (Santa Margaret Mary Alocoque)

Image
Tagalog ( Translation is Mine w/o Ecclesiastical Approval) Sa Sagradong Puso ni Hesus, ibinibigay ko ang aking sarili at inilaan sa Banal na Puso ng ating Panginoong Hesukristo, ang aking katauhan at ang aking buhay, ang aking mga kilos, sakit at pagdurusa, upang maaari di magamit ang anumang bahagi ng aking pagkatao. maliban sa parangalan, mahalin at luwalhatiin ang Sagradong Puso. Ito ang aking hindi nagbabago na layunin, ibig sabihin, maging lahat ng Kanya, at gawin ang lahat ng mga bagay para sa pag-ibig Niya, at sabay na talikuran ng buong puso ko ang anumang hindi kanais-nais sa Kanya. Dinadala Ko Kayo, O Sagradong Puso, na maging tanging layunin ng aking pag-ibig, tagapag-alaga ng aking buhay, aking katiyakan ng kaligtasan, ang lunas ng aking kahinaan at pagkakabagabag, ang pagbibigay katarungan sa sala para sa lahat ng mga pagkakamali ng aking buhay at ang aking tiyak na kanlungan sa oras ng kamatayan. Kung gayon, Oh Pusong kabutihan, aking katuwiran sa harap ng Diyos Ama, at...

Genesis 3

Image
3    •  1  Pinakatuso ang ahas sa lahat ng mababangis na hayop na ginawa ni Yawe-Diyos. Sinabi nito sa babae: “Sinabi ba talaga ng Diyos – Hindi kayo dapat kumain ng bunga ng alinmang puno sa hardin?”  2  Sinabi ng babae sa ahas: “Ma­kakain namin ang mga bunga ng mga puno sa hardin,  3  ngunit para sa bunga ng punong nasa gitna ng hardin sinabi ng Diyos – Huwag ninyong kakanin iyon ni hipuin man lang, kung hindi’y mama­matay kayo.” 4  Sinabi ng ahas sa babae: “Hindi kayo mamamatay,  5  ngunit alam ng Diyos na sa oras na kainin ninyo iyon, mamumulat ang inyong mga mata at matutulad kayo sa mga diyos na alam ang mabuti at ma­sama.” 6  Sa tingin ng babae ay katakam-takam ang bunga ng puno at masarap kainin – at tunay na magandang pa­raan upang magtamo ng kaalaman. Kaya pumitas siya ng mga bunga niyon at kumain, at inabutan niya ka­agad ang kanyang asawa na kasama niya. At kumain din iyon. 7  Namulat sila kapwa...