Posts

Showing posts with the label purihin

Juan 1, 14ab

Image
Purihin and Poong Hesus, salita ng Amang Diyos, mula sa langit nanaog. Naging tao sa pagsakop sa sala ng sansinukob.

Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Image
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan, ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan. Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit, sa kanya’y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang. siya ang ating Diyos, tayo ay kalinga niyang mga hirang, mga tupa tayong inaalagaan. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Ang kanyang salita ay ating pakinggan: “Iyang inyong puso’y huwag patigasin, tulad ng ginawa ng inyong magulang nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa. Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang, bagamat nakita ang aking ginawang sila’ng nakinabang.” Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin.

Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Image
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon, purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion. Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas. Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo, bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo. Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat. Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Kay Jacob n’ya ibinibigay ang balita at pabilin, ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda. Purihin ang Panginoon! Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Image
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan, ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan. Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasalamat, Siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit, sa kanya’y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang. Siya ang ating Diyos, tayo ay kalinga niyang mga hirang, mga tupa tayong inaalagaan. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Ang kanyang salita ay ating pakinggan: “Iyang inyong puso’y huwag patigasin, tulad ng ginawa ng inyong magulang nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa. Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang, bagamat nakita aking aking ginawang sila’ng nakinabang.” Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’...

Sabado - Enero 7, 2012,Bago Mag-Epifania (Raymundo ng Penafort)

Image
Sabado - Enero 7, 2012 Bago Mag-Epifania (Raymundo ng Penafort) Unang Pagbasa 1 Juan 5:14-21 14 Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. 15 At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya. 16 Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito. 17 Ang lahat ng gawaing di matuwid ay kasalanan, ngunit may kasalanang hindi hahantong sa kamatayan. 18 Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ni Jesu-Cristo, at hindi sila maaaring galawin ng diy...

Martes - Nobyembre 22, 2011,Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan

Image
Martes - Nobyembre 22, 2011       Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan Unang Pagbasa                            Daniel 2: 31-45                 31 "Mahal na hari, ang nakita ninyo ay isang malaki at nakakasilaw na rebulto. Nakatayo ito sa inyong harapan at nakakatakot pagmasdan.  32 Ang ulo nito ay lantay na ginto, at pilak ang dibdib at mga bisig. Tanso naman ang tiyan at mga hita nito.  33 Ang mga binti ay bakal at ang mga paa ay pinaghalong bakal at putik.  34 Habang pinagmamasdan ninyo ito, may batong natipak sa bundok na bumagsak sa mga paa ng rebulto at nadurog ang mga paa.  35 Pagkatapos, nadurog ding lahat ang bakal, putik, tanso, pilak, at ginto. Naging parang ipa ito at tinangay ng hangin at walang naiwan kahit bakas. Samantala, ang ...