Posts

Showing posts with the label tagapagligtas

Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9

Image
Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Tugon: Poon, iyong gunitain ang pag-ibig mo sa amin. Ang kalooban mo’y ituri, O Diyos, ituro mo sana sa aba mong lingkod; ayon sa matuwid, ako ay turuan ituro mo, Poon, ang katotohanan; Tagapagligtas ko na inaasahan. Tugon: Poon, iyong gunitain ang pag-ibig mo sa amin. Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas, at ang kabutihang noon pa’y nahayag. Pagkat pag-ibig mo’y hindi nagmamaliw, ako sana, Poon, ay alalahanin! Tugon: Poon, iyong gunitain ang pag-ibig mo sa amin. Mabuti ang Poon at makatarungan, sa mga salari’y guro at patnubay; sa mababang-loob siya yaong gabay, at nagtuturo ng kanyang kalooban. Tugon: Poon, iyong gunitain ang pag-ibig mo sa amin.

Juan 4, 42. 15

Image
Juan 4, 42. 15 Aming pinananaligang Tagapagligtas ng tanan, Panginoon, kami’y bigyan ng tubig na bumubuhay upang kami’y di mauhaw.