Posts

Showing posts with the label templo

Salmo 83, 5

Image
Purihin ang Poong mahal sa angkin n’yang kabutihan. Mapalad ang tumatahan sa templo ng Poong banal, nagpupuring walang hanggan.

2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16

Image
Ikalawang aklat ni Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Natan, “Ganito ang sabihin mo kay David: ‘Pagkamatay mo, isa sa iyong mga anak ang ipapalit ko sa iyo. Patatatagin ko ang kanyang kaharian. Siya ang magtatayo ng templo para sa akin, at sa kanyang angkan magmumula ang maghahari sa aking bayan magpakailanman. Kikilanlin ko siyang anak at ako nama’y magiging ama niya. Magiging matatag ang iyong sambahayan, ang iyong kaharia’y hindi mawawaglit sa aking paningin at mananatili ang iyong trono.’

Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8

Image
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8 Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap. Sa harap ng iyong templo ay yuyulo at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan. Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa takas na iyong taglay. Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat, ang dahilan nito Poon, pag-ibig mo’y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap.

Mateo 4:1-11

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Mateo 4:1-11 Noong panahong iyon: si Hesús ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Hesús, at siyá’y nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniyá, “Kung ikaw ang Anak ng Diyós, gawin mong tinapay ang mga batong ito." Ngunit sumagot si Hesús, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyós.’ ” Pagkatapos nito’y dinala siyá ng diyablo sa taluktok ng templo sa Banal na Lunsod. “Kung ikaw ang Anak ng Diyós,” sabi sa kaniyá, “magpa tihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘ipagbibilin niyá sa kaniyáng mga anghel na ingatan ka, aalalayan ka nila, upang hindi ka matisod sa bato.’ ” Sumagot si Hesús, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong subukin ang Panginoón mong Diyós.’ ” Pagkatapos, dinala din siyá ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Mula roo’y ipinatanaw sa kaniyá ang lahát ...

Lukas 21:5-19

Image
May ilang nag-uusap tungkol sa Templo, at sinabi nila na may magagandang bato ito at mamahaling palamuti. Sinabi naman ni Jesus: “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda na sumapit na ito?” Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aangkin sa aking pangalan sa pagsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya ,’ at ‘Palapit na ang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. Sa pagkabalita n’yo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.” At sinabi niya sa kanila: “Magdidigmaan ang mga bayan at maglalaban-laban ang mga kaharian. Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa Langit. Pero bago sumapit ang lahat ng ito, dadakipin kayo at uusigin; ibibigay kayo sa m...

Lukas 18:9-14

Image
Sinabi ni Jesus ang talinhagang ito sa ilang taong kumbinsido na mabuti sila at minamata naman ang iba: “Dalawang tao ang umakyat sa Templo para manalangin: Pariseo ang isa at publikano naman ang isa pa. Nakatayong nananalanging mag-isa ang Pariseo. Sinabi niya: ‘O Diyos, salamat at hindi ako gaya ng ibang mga tao-mga magnanakaw, mandaraya, nakikiapid, o gaya ng kolektor ng buwis na iyan. Dalawang beses akong nag-aayuno isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu sa lahat kong ari-arian.’ Nasa likuran naman ang kolektor ng buwis at hindi man lang makatingala sa Langit. Dinadagukan niya ang dibdib sa pagsasabing “O Diyos, kaawan mo ako na isang makasalanan.’ “Sinasabi ko sa inyo na ito ang umuwing nasa grasya ng Diyos ngunit hindi ang isa. Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas naman ang nagpapakababa.” Source: Radio Veritas

Lukas 13:1-9

Image
Dumating ang ilang tao na nagbalita kay Jesus ng nangyari sa Templo. Ipinapatay nga ni Pilato ang mga taga-Galilea at nahalo ang kanilang dugo sa mga handog nila. Sinasabi ni Jesus sa kanila: “Sa akala n’yo ba’y mas makasalanan ang taga-Galileang iyon kaysa lahat ng mga taga-Galilea dahil sila ang nagdusa? Hindi. At sinabi ko sa inyo: kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat. Gayon din naman sa namatay na labinwalong- taong nabagsakan ang tore sa Siloe, sa akala n’yo ba’y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat ng naninirahan sa Jerusalem? Sinasabi ko; Hindi, pero kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat.” At sinabi ni Jesus ang talinhagang ito: May taong may isang puno ng igos sa kanyang ubasan. At pumunta siya para maghanap ng mga bunga pero wala siyang nakita. Kaya sinabi niya sa nag-aalaga ng ubasan. Tatlong taon na akong pumarito sa paghahanap ng mga bunga sa punong-igos na iyan at wala akong nakita. Putulin mo iyan at pampasikip lang sa lupa. Ngu...

Biyernes - Disyembre 30, 2011,Banal na Pamilya

Image
Biyernes - Disyembre 30, 2011 Banal na Pamilya E Unang Pagbasa Ecclesiastico 3:2-14 2 Sapagkat ang mga ama ay binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak, at iniuutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina. 3 Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan, 4 at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan. 5 Ang gumagalang sa kanyang ama'y paliligayahin naman ng kanyang mga anak, at ang panalangin niya'y agad diringgin ng Panginoon. 6 Pahahabain ng Diyos ang buhay ng nagpaparangal sa kanyang mga magulang--- siya na sumusunod sa Panginoon. 7 Ang may paggalang sa Panginoong Diyos ay gumagalang sa kanyang mga magulang, at pinaglilingkuran niya ang kanyang magulang na parang panginoon niya. 8 Igalang mo ang iyong ama sa salita at sa gawa, upang sumaiyo ang kanyang pagpapala. 9 Pinatatatag ng pagpapala ng isang ama ang pamumuhay ng mga anak, ngunit ito ay sinisira n...