Posts

Showing posts with the label ulan

Genesis 7

Image
7   1   Sinabi ni Yawe kay Noe: “Puma­­sok ka sa daong, ikaw at ang iyong pamilya, sapagkat ikaw lamang ang nakita kong matuwid sa salin­lahing ito.  2   Magsama ka ng pitong pares mula sa bawat uri ng malilinis na hayop, tig-isang lalaki at babae, at tigdadalawa mula sa bawat uri ng di-malilinis na hayop, tig-isang barako at inahin.  3   Ga­yun­din sa mga ibon sa langit, tigpipitong pares mula sa bawat uri upang magkaroon ng bagong buhay sa daig­dig.  4  Sapagkat sa loob ng pitong araw, apatnapung araw at apat­napung gabi kong pabubuhusin ang ulan sa lupa. Papawiin ko sa balat ng lupa ang lahat ng maybuhay na nilikha ko.” 5  At ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yawe.   6   Anim­naraang taon si Noe nang dumating ang Malaking Baha sa lupa. 7   Kaya pumasok si Noe sa daong, ka­sama ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa, ang asa-asawa ng kan­yang mga anak upang maligtas sa tubig ng baha. 8  Pumun...

Larawan ng Baha sa iba't ibang bahagi ng bansang Pilipinas

Image
Ito ay ilan sa mga larawan na nagpapakita ng sitwasyon sa mga naapektuhan ng baha sa ilang bahagi ng Bansa. Ito ay galing sa maraming nagbahagi ng kanilang mga larawan sa facebook. EastWood Rodriguez Rizal https://www.facebook.com/pages/You-Raise-ME-UP/ North Luzon Express Way , Valenzuela https://www.facebook.com/pages/You-Raise-ME-UP/ Rizal Park https://www.facebook.com/pages/You-Raise-ME-UP/ Marikina Bridge https://www.facebook.com/pages/You-Raise-ME-UP/ National Museum, Manila https://www.facebook.com/myra.almendrala San Juan City https://www.facebook.com/myra.almendrala Marikina City https://www.facebook.com/myra.almendrala

Oratio Imperata (Ulan, Tagalog Version)

Image
I am posting this prayer " Oratio Imperata " for rain as the Filipino nation is on water crisis due to El Nino phenomenon that has greatly affected the produce of farmers. Ama naming mapagmahal na lumikha ng sangkalupaan at sanlibutan at ng mga kahanga-hangang kalikasan na dinadaluyan ng buhay ng iyong mga nilikha. Mapagkumbaba kaming sumasamong ipagkaloob mo ang biyaya ng ulan na siyang matinding pangangailangan ng aming bansa ngayon upang tubigan ang aming mga bukid at mga nanunuyong lupa, mapigil ang mapipintong krisis sa kuryente at patirin ang aming mga uhaw. Sa hudyat ng salita mo’y sumusunod ang hangin at dagat, iunat mo ang iyong mapagpalang kamay upang mapasimulan na ang naudlot na pangkaraniwang panahon ng tag-ulan at upang maiwasan ang napipintong krisis. Diyos naming maawaain at mapagbigay, imulat mo ang aming mga mata sa kayamanan at kagandahan ng iyong mga nilikha at hubugin mo kaming maging mapagmalasakit para sa kalikasan. Turuan mo kaming maging magpagkakati...