Posts

Bagong Missal sa Internet

Image
Sa dami kong nasinimulang mga blogs ay halos di ko na maupdate dahil sa pagaakalang ang mga ito ay sinimulan ko sa pagkaunawa na higit na makakatulong sa pagpapalalim ng pananampalataya. Ang bawat araw ay nagbibigay hamon ayon sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon. Sa aking pagninilay, maliwanag na ang kailangang mga laman ay hindi sa wikang ingles, dahil marami na ito mula sa mga malalaki at mayayamang indibidual o institution na kasapi ng Sambayanang Kristiyanong Katoliko. Alam natin na marami pa rin ang pwede pang idagdag dito dahil sa dami ng pangangailangan at sa laki ng mga resouces ng ating pananampalataya. ngunit nakikita ko ngayon na ang mas kailangan ay mga materyal na tumutugon sa partikular na lenguahe at wika natin, Pilipino. At kung talagang pagtutuunan ng pansin ay kasama na ang walong salita na ginagamit nating mga Pilipino, Cebuano, Ilokano,  Tagalog, Bikolano, Ilonggo, Lineyte-Samarnon(Waray-waray), Kapampangan at Tausug. Kaya nga ninais ko na simulan ang p...

Mag ingat sa mga Malls

Image
Safe dito kasi nasa Mall tayo, maraming security guards at may cctv cameras, walang gagawa sa atin ng masama dito. Kalimitan ito ang ating naiisip at damdamin kapag tayo ay nasa loob ng Mall. Malaki ang tiwala natin dahil may mga inaakala tayo ng magbibigay ng proteksyon sa ating kapakanan. Ito ay isang maling pagaakala, kailangan pa rin nating mag ingat kahit sa loob ng Mall. Naikwento sa akin ni Fr. Christian Abao ang isang karanasan ng kanyang mga magulang na sina Eduardo at Laila Abao na nakatira sa Pagsanjan, Laguna. Dahil sa bisperas ng Valentines' Day at araw ng linggo ninais ng mag asawa na pumunta sa SM mall sa San Pablo City para mamasyal at mamili ng grocery para sa isang linggong gamit. Pagdating nila sa Mall dumiretso sa supermarket, kumuha ng cart, inilagay ni Mrs. ang kanyang bag sa Cart at nagsimulang tumingin sa mga bilihin. Sa isang banda, habang nakatingin siya sa isang bahagi ng mga goods ay may isang pamilya na dumaan sa kanyang tabi. Ilang sandali pagkatapos...