Posts

Kwentong Biblia, Isang Imbitasyon po para sa lahat.

Image
Katatapos po lamang ng Webinar ng Kwentong Katekista sa pangunguna ng National Catechetical Study -NCS 2021 nitong nakalipas na Setyembre bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Catechetical Month 2020 ngayon po naman ay sinisumulan ang Seminar sa Web na kung tawagin ay Webinar na pinamagatang Kwentong Biblia - Isang Boung pagtingin sa Banal na Kasulatan.  Ito ay isang pagkilos ng Religious Educators Association of the Philippines (REAP) sa ilalim ng Theology and Religious Education Department (TRED) ng De La Salle University sa pakikipagugnayan ng Universidad ng Santo Tomas. Ang nasabing Webinar ay pagsasalitaan ni Reberendo Padre Wenifredo V. Padilla, III, OP, STL-MA,SSL. Siya po ay isang propesor ng UST Sacred Theology. Ang nasabing Webinar po ay magsisimula po sa Oktubre 24, 2020 tuwing ika 10:00 ng Umaga hanggang 12:00 ng Tanghali tuwing sabado. Ito ay Matatapos sa March 24, 2021. Kaya kung kayo po ay libre sa nasabing araw at oras mag rehistro po kayo. Libre po ito mga ka...

Yahoo email users beware of this bogus link.

Image
Early this morning I receive an email in one of my Yahoo account saying that I need to update my account after today or else I will no longer be logged on. Here is the screenshot. It looks like that it would like to appear as coming from legitimate yahoo mail but it isn't. Why? 1. It should have address you in person as the name you indicated in the account because they have the data for it, instead here is the ambigous words  2. they should identify themselves as a team from Yahoo but instead  3.when you click the attachment you will receive this notification, 4. and you will be directed to the site that they can fetch your email  account username and password. You will be directed to this web address which is not even connected to yahoo.   which is supposed to be  Please watch out on the web address that you enter and the information that you fill in into them.

Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario UNANG PAGBASA Galacia 2, 1-2. 7-14 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, makalipas ang labing-apat na taon, muli akong pumunta sa Jerusalem na kasama sina Bernabe at Tito. Nagbalik ako sapagkat ipinaalam sa akin ng Diyos na dapat akong pumaroon. Nakipagpulong ako nang sarilinan sa mga pangunahin sa simbahan, at ipinaliwanag ko sa kanila ang Mabuting Balita ng kaligtasan na ipinangangaral ko sa mga Hentil. Ginawa ko ito sapagkat ayokong mawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal sa nakaraan at sa kasalukuyan. Sa halip, kinilala nilang ako’y hinirang ng Diyos upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Hentil tulad din ng pagkahirang kay Pedro upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Judio. Ang Diyos na humirang kay Pedro bilang apostol sa mga Judio ang siya ring humirang sa akin bilang apostol sa mga Hentil. Nabatid nina Santiago, Pedro at Juan, mga kilalang haligi ng simba...

Martes ng Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay bilang masugid na kaanib sa Judaismo. Buong lupit kong inusig ang simbahan ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin. Naging mas masugid ako sa relihiyong ito kaysa maraming Judiong kasinggulang ko, at malaki ang aking malasakit sa mga kaugalian ng aming mga ninuno. Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, hinirang niya ako bago pa ipanganak, at tinawag upang maging lingkod niya. At nang ihayag niya sa akin ang kanyang Anak, upang ang Mabuting Balita tungkol sa kanya ay maipangaral ko sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. Ni hindi ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na una kaysa akin. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco. Nakaraan pa ang tatlong taon bago ako umakyat sa Jerusalem upang makipagkita kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. Wala akong nakitang ap...

Lunes ng Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tinalikdan ang Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng pag-ibig ni Kristo at bumaling kayo sa ibang mabuting balita. Ang totoo’y walang ibang mabuting balita; lamang, may mga nanliligalig sa inyo at nagsisikap na baguhin ang Mabuting Balita tungkol kay Kristo. Maging kami o isang anghel man mula sa langit ang mangaral sa inyo ng iba kaysa Mabuting Balitang ipinangaral namin, pakasumpain siya! Sinabi na namin, at inuulit ko: kung may mangaral sa inyo ng iba kaysa Mabuting Balitang tinanggap ninyo, pakasumpain siya! Ngayon, nangangahulugan bang ang hinahangad ko’y papuri ng tao? Hindi! Ang papuri ng Diyos ang hinahangad ko. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Kung iyan lamang ang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Kristo. Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na hindi katha ng tao ang Mabuting Balitang ipinangaral ko. H...

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Isaias 5, 1-7 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ako ay aawit sa sinta kong mahal tungkol sa nangyari sa kanyang ubasan: Mayroong ubasan ang sinta kong mutya sa libis ng bundok na lupa’y mataba; hinukayan niya’t inalisan ng bato at saka tinamnan ang nasabing dako; mga piling puno ng mabuting ubas itinanim niya sa nasabing lugar; sa gitna’y nagtayo ng isang bantayan at nagpahukay pa ng sadyang pisaan. Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kayang tanim ay magsimpamunga. Ngunit ano ito? Pagdating ng araw ang kanyang napitas ay ubas na ligaw. Kaya’t kayo ngayon, taga-Jerusalem, at gayun din kayo, mga taga-Juda, kayo ang humatol sa aming dalawa: Ako, at ang aking ubasan. Ano pa ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan? Bakit nang ako’y mamitas, sa itinanim kong mabubuting ubas, ang nakuha ko ay ubas na ligaw? Kaya’t ito ngayon ang gagawin ko sa aking ubasan: Papatayin ko ang mga halamang nakapaligid dito. Wawasakin ko ang bakod nito. Hahayaan kong ito’y mapasok...

Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Pagbasa mula sa aklat ni Job Ang sagot ni Job sa Panginoon: “Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay, anumang balakin mo’y walang makahahadlang. ‘Sinong nagsasalita nang walang nalalaman?’ Kaya ako ay humatol nang walang katuturan, na hindi ko alam ang lahat ng mga bagay. Nakilala kita sa balita lamang, ngunit ngayo’y akin nang namasdan. Kaya ako’y nagsisisi nang buong taimtim. At ang sarili ko’y aking itinatakwil.” Ang mga huling araw ni Job ay higit na pinagpala ng Panginoon. Binigyan niya ito ng labing apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, dalawanlibong baka at sanlibong inahing asno. Nagkaanak pa si Job ng pitong lalaki at tatlong babae, na ang mga pangala’y Jemima, Kesia, Keren-hapuc. Sa buong lupain ay wala silang katulad sa ganda. Pinamanahan din niya sila, tulad ng mga anak na lalaki. Si Job ay nabuhay pa nang sandaa’t apatnapung taon. Nakabuhayan pa niya ang kanyang mga apo sa ikapat na salinlahi bago siya namatay. Ang Salita n...