Kwentong Biblia, Isang Imbitasyon po para sa lahat.



Katatapos po lamang ng Webinar ng Kwentong Katekista sa pangunguna ng National Catechetical Study -NCS 2021 nitong nakalipas na Setyembre bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Catechetical Month 2020 ngayon po naman ay sinisumulan ang Seminar sa Web na kung tawagin ay Webinar na pinamagatang Kwentong Biblia - Isang Boung pagtingin sa Banal na Kasulatan. 

Ito ay isang pagkilos ng Religious Educators Association of the Philippines (REAP) sa ilalim ng Theology and Religious Education Department (TRED) ng De La Salle University sa pakikipagugnayan ng Universidad ng Santo Tomas. Ang nasabing Webinar ay pagsasalitaan ni Reberendo Padre Wenifredo V. Padilla, III, OP, STL-MA,SSL. Siya po ay isang propesor ng UST Sacred Theology.

Ang nasabing Webinar po ay magsisimula po sa Oktubre 24, 2020 tuwing ika 10:00 ng Umaga hanggang 12:00 ng Tanghali tuwing sabado. Ito ay Matatapos sa March 24, 2021. Kaya kung kayo po ay libre sa nasabing araw at oras mag rehistro po kayo. Libre po ito mga kapatid sa pananampalataya. Dito po kayo pwedeng magrehistro sa website na ito https://tinyurl.com/reap-kuwentong-biblia

Gagamit po ito ng Zoom na aplikasyon bilang pamamaraan ng pakikinig, Kung nais po ninyo i-download ang zoom. dito po https://zoom.us/download.

Share

Comments