Posts

Showing posts with the label apat

Sabado ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 35-37. 42-49 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, may nagtatanong, “Paano bubuhaying muli ang mga patay? Ano ang magiging ayos ng katawan nila?” Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing inihahasik hangga’t hindi ito namamatay. At ang inihahasik ay hindi punong malaki na, kundi binhi pa, tulad ng butil ng trigo o ng ibang binhi. Ganyan din sa muling pagkabuhay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay. Pangit at walang kaya nang ilibing, maganda’t malakas nang muling buhayin. Inilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay na katawang panlangit. Kung may katawang panlupa mayroon ding katawang panlangit. Ganito ang sinasabi sa Kasulatan: “Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay”; ang huling Adan ay Espiritung nagbibigay-buhay. Ngunit hindi nauna ang panlangit; ang panlupa muna bago panlangit. Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat nilikha sa alabo...

Biyernes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 12-20 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, kung ipinangangaral naming si Kristo’y muling nabuhay, ano’t sinasabi ng ilan sa inyo na hindi bubuhaying muli ang mga patay? Kung ito’y totoo, lilitaw na hindi muling binuhay si Kristo. At kung si Kristo’y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Kung magkagayon, lilitaw na kami’y mga bulaang saksi ng Diyos. Sapagkat pinatotohanan namin na muling binuhay ng Diyos si Kristo ngunit lilitaw na hindi ito totoo, kung talagang di bubuhaying muli ang mga patay. Kung hindi bubuhaying muli ang mga patay, hindi rin muling binuhay si Kristo. At kung hindi muling binuhay si Kristo, kayo’y hindi pa nahahango sa inyong mga kasalanan, at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng namatay na nananalig kay Kristo ay napahamak. Kung ang pag-asa natin kay Kristo ay para s...

Huwebes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y ipinaaalaala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at naging saligan ng iyong pananampalataya. Sa pamamagitan nito’y naliligtas kayo, kung matatag kayong nananangan sa salitang ipinangaral ko sa inyo – liban na nga lamang kung kayo’y sumampalataya na di iniisip ang inyong sinampalatayanan. Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang aral na tinanggap ko rin: si Kristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa nasasaad sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan; at siya’y napakita kay Pedro, saka sa Labindalawa. Pagkatapos, napakita siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila’y buhay pa hanggang ngayon, bagamat patay na ang ilan. At napakita rin siya kay Santiago, saka sa mga apostol na sama-sama noon. ...

Miyerkules ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis! UNANG PAGBASA 1 Corinto 12, 31 – 13, 13 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid: Buong taimtim ninyong nasain ang mga kaloob na lalong dakila. At ngayo’y ituturo ko sa inyo ang pinakamabuti sa lahat. Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting. Kung ako man ay may kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya anupat napalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin. Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi nananagh...

Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Sirak 27, 33 – 28, 9 Pagbasa mula sa aklat ni Sirak Ang poot at pagngingitngit ay dapat ding kamuhian; ngunit sa makasalanan, iyan ay pangkaraniwan. Natatandaan ng Panginoon ang kasalanan ng bawat tao, at ang mapaghiganti ay paghihigantihan din niya. Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang, at pag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman. Ang nagtatanim ng galit laban sa kapwa, pag tumawag sa Panginoon, walang kakamtang awa. Kung hindi ka nahahabag sa iyong kapwa, paano mong ihihingi ng tawad ang iyong kasalanan? Kung ikaw na tao lamang, ay nagkikimkim ng galit, sinong magpapatawad sa iyo sa mga kasalanan mo? Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit. Isipin mo ang kamatayan at sundin mo ang Kautusan. Dili-dilihin mo ang Kautusan at huwag kang magalit sa kapwa; alalahanin mo ang Tipan ng Kataas-taasan at matuto kang magpatawad. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamag...