Posts

Showing posts with the label dalawangpung

Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
Linggo ng Mga Katutubo/ Linggo ng Matinding Kahirapan https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3205713412860578&id=1565396137123434 Posted by Nuestra SeƱora de la Natividad Parish - Pangil, Laguna on  Sunday, October 11, 2020 UNANG PAGBASA Isaias 25, 6-10a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sa Bundok ng Sion, aanyayahan ng Panginoon ang lahat ng bansa, gagawa siya ng isang piging para sa lahat na ang handa’y masasarap na pagkain at inumin. Sa bundok ding ito’y papawiin niya ang kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa. Lubusan na niiyang papawiin ang kamatayan, papahirin ng Panginoon ang luha ng lahat; aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan. Kung magkagayon, sasabihin ng lahat: “Siya ang ating Diyos na ating pinagtitiwalaan, ang inaasahan nating magliligtas sa atin; Magalak tayo at ipagdiwang ang kanyang pagliligtas.” Iingatan ng Diyos ang bundok na ito. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ...

Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Galacia 3, 22-29 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, sinasabi ng Kasulatan na ang lahat ng tao’y alipin ng kasalanan upang sa pamamagitan ng pananalig kay Hesukristo, ang mga sumasampalataya ay tumanggap ng mga ipinangako ng Diyos. Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, kami’y alipin ng Kautusan hanggang sa mahayag ang pananampalatayang ito. Kaya’t ang Kautusan ang naging tagapagturo namin hanggang sa dumating si Kristo at sa gayun, kami’y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong nananalig na kami sa kanya, wala na kami sa pangangalaga ng tagapagturo. Dahil sa inyong pananalig kay Kristo Hesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Sapagkat ang lahat ng nabinyagan kay Kristo ay pinananahan ni Kristo. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae – kayong lahat ay iisa dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus. At kung kayo’y kay Kristo, kabilang k...

Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Denis, Obispo at mga Kasama, mga Martir  San Juan Leonardi, Pari UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang tunay na lahi ni Abraham. Hindi pa ma’y ipinakita na ng Kasulatan na pawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya. At ipinahayag na kay Abraham noon pa ang Mabuting Balita: “Sa pamamagitan mo’y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.” Nanalig sa Diyos si Abraham at siya’y pinagpala kaya’t pagpapalain ding tulad niya ang lahat ng nananalig sa Diyos. Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, “Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.” Maliwanag, kung gayun, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapakat “Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuha...

Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
>UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na ba kayong mga taga-Galacia? Sino ang nakagayuma sa inyo? Maliwanag na ipinahayag sa inyo ang pagkamatay ni Hesukristo sa krus! Ito lamang ang ibig kong malaman sa inyo: tinanggap ba ninyo ang Espiritu dahil sa pagsunod sa Kautusan o dahil sa inyong pakikinig at paniniwala sa Mabuting Balita tungkol kay Kristo? Napakahangal ninyo! Nagsimula kayo sa Espiritu at ngayo’y nagwawakas sa laman. Wala na bang halaga ang naging karanasan ninyo? Marahil naman ay mayroon. Bakit ba ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos ang Espiritu? Bakit ba siya gumagawa ng mga himala? Dahil ba sa inyong mga gawa ayon sa Kautusan o dahil sa inyong paniniwala sa Mabuting Balita. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Nagpadala ang Diyos sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa lipi ni David na kanyang lingkod. Ipi...

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Isaias 5, 1-7 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ako ay aawit sa sinta kong mahal tungkol sa nangyari sa kanyang ubasan: Mayroong ubasan ang sinta kong mutya sa libis ng bundok na lupa’y mataba; hinukayan niya’t inalisan ng bato at saka tinamnan ang nasabing dako; mga piling puno ng mabuting ubas itinanim niya sa nasabing lugar; sa gitna’y nagtayo ng isang bantayan at nagpahukay pa ng sadyang pisaan. Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kayang tanim ay magsimpamunga. Ngunit ano ito? Pagdating ng araw ang kanyang napitas ay ubas na ligaw. Kaya’t kayo ngayon, taga-Jerusalem, at gayun din kayo, mga taga-Juda, kayo ang humatol sa aming dalawa: Ako, at ang aking ubasan. Ano pa ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan? Bakit nang ako’y mamitas, sa itinanim kong mabubuting ubas, ang nakuha ko ay ubas na ligaw? Kaya’t ito ngayon ang gagawin ko sa aking ubasan: Papatayin ko ang mga halamang nakapaligid dito. Wawasakin ko ang bakod nito. Hahayaan kong ito’y mapasok...

Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Pagbasa mula sa aklat ni Job Ang sagot ni Job sa Panginoon: “Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay, anumang balakin mo’y walang makahahadlang. ‘Sinong nagsasalita nang walang nalalaman?’ Kaya ako ay humatol nang walang katuturan, na hindi ko alam ang lahat ng mga bagay. Nakilala kita sa balita lamang, ngunit ngayo’y akin nang namasdan. Kaya ako’y nagsisisi nang buong taimtim. At ang sarili ko’y aking itinatakwil.” Ang mga huling araw ni Job ay higit na pinagpala ng Panginoon. Binigyan niya ito ng labing apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, dalawanlibong baka at sanlibong inahing asno. Nagkaanak pa si Job ng pitong lalaki at tatlong babae, na ang mga pangala’y Jemima, Kesia, Keren-hapuc. Sa buong lupain ay wala silang katulad sa ganda. Pinamanahan din niya sila, tulad ng mga anak na lalaki. Si Job ay nabuhay pa nang sandaa’t apatnapung taon. Nakabuhayan pa niya ang kanyang mga apo sa ikapat na salinlahi bago siya namatay. Ang Salita n...

Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod UNANG PAGBASA Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sa gitna ng nag-aalimpuyong bagyo, ganito ang sinabi ng Diyos kay Job: “Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang liwayway? Ang daigdig ba ay iyong naigawa ng tanglaw, upang ang masasama’y mabulabog sa taguan? Dahil sa sikat ng araw ay nagliwanag ang lahat, parang damit na inayos, ngayon ay nakahayag. Sa liwanag ng araw natatakot ang masama, pagkat ang karahasa’y hindi nila magagawa.” “Napunta ka na ba sa pinagmumulan ng bukal? Nakalakad ka na ba sa pusod ng karagatan? May nakapagturo na ba sa iyo sa pintuan na ang hantungan ay madilim na hukay? Nalalaman mo ba ang sukat nitong mundo? Kung may nalalaman ka, lahat ay sabihin mo. “Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag, o ang kadiliman, kung saan nagbubuhat? Masasabi mo ba kung saan sila dapat humangga, o sa pinanggalingan kaya’y mapababalik mo sila? Ikaw ay matanda na baka nga iyong kaya, pagkat likhain ang daigdig, ikaw ay...

Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y inyong kahabagan; at sa galit nitong Diyos, ako’y kanyang ibinuwal. Bakit ako inuusig, waring kayo itong Diyos? Di ba kayo magsasawang pahirapan akong lubos? “Sana ang sinabi ko’y maitala’t masulat at ito ay magawang isang buong aklat. At sa bato’y maiukit itong mga salita ko upang sa habang panaho’y mabasa ng mga tao. Alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas na sa aki’y magtatanggol pagdating noong wakas. Pagkatapos na maluray itong aking buong balat, ang Diyos ko’y mamamalas kahit laman ay maagnas. Siya’y aking mamamasdan, at mukhaang makikita ng sariling mga mata at di ng sinumang iba. Ang puso ko’y nananabik na mamasdan ko na siya.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. O Diyos, ako’y dinggin sa aking pagtawag, lingapin mo ako, sa aki’y ...

Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan UNANG PAGBASA Job 9, 1-12. 14-16 Pagbasa mula sa aklat ni Job Ang sagot ni Job sa kanyang mga kaibigan: “Iyan ay dinig ko na noon pa mang una, ngunit sinong tao kaya ang tatalo sa kanya? Sino ang sa kanya’y maaaring mangatwiran? Sa sanlibo niyang tanong, di masagot ang isa man. Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan, sino kaya ang sa kanya ay makalalaban? Walang sabi-sabing inuuga yaong bundok, sa tindi ng kanyang galit, ito’y kanyang dinudurog. Itong sangkalupaan ay kanyang nayayanig. At nauuga niya ang saligan ng daigdig. Napipigil sa pagsikat ang silahis nitong araw, At kanyang naitatago ang tala sa kalangitan. Siya lamang ang lumikha sa sangkalangitan, at sa bangis nitong dagat, walang ibang makasaway. Ang “Malaking Diper” at “Orion” ay siya lamang ang may lalang, pati na ang Pleyades at mga kumpol na bituin sa timugan. Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan, ang milagrong gawa niya sa dami ay di mabilang. Siya’y ...

Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Lorenzo Ruiz UNANG PAGBASA Job 1, 6-22 Pagbasa mula sa aklat ni Job Dumating ang panahon na ang mga anghel ng Diyos ay humarap sa Panginoon, at kasama si Satanas. Tinanong ito ng Panginoon, “Ano ang gawain mo ngayon?” “Nagpaparoo’t parito sa lahat ng sulok ng daigdig,” sagot ni Satanas. “Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?” tanong uli ng Panginoon. “Wala siyang katulad sa dagidig. Malinis ang kanyang pamumuhay. Siya’y mabuting tao, may takot sa akin, at hindi gumagawa ng masama,” dugtong pa ng Panginoon. Sumagot si Satanas, “Si Job kaya ay matatakot sa iyo nang walang dahilan? Bakit nga hindi siya matatakot sa iyo gayong pinagpala mo siya? Iniingatan mo pati ang kanyang sambahayan at ari-arian. Subukin mong huwag siyang pagpalain, bagkus ay sirain ang lahat niyang tinatangkilik kung di ka niya sumpain.” Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “O sige, gawin mo ang gusto mo sa kanyang mga ari-arian, huwag mo lang siyang sasaktan.” At si Satanas ay umalis sa harapan ng Panginoon. Is...

Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 25-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko. Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot. Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa niya. At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay na matuwid ay mabubuhay. Dahil sa pagtalikod sa nagawa niyang kasamaan noong una, mabubuhay siya, hindi mamamatay.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 24, 4kb-5. 6-7. 8-9 Poon, iyong gunitain wagas mong pag-ibig sa ‘kin. Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos, ituro mo sana sa aba mong lingkod; ayon sa matuwid, ako ay turuan, ituro mo, Poon, ang katotohanan; Tagapagligtas ko na inaasahan. Poon, iyong gunitain wagas mong pag-ibig sa ‘kin. Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas, at ang kabutihang noon pa’y nahayag. Patawarin ako sa pagkakasala, sa kamalian ko nang ako’y bata pa; pagkat pag-ib...

Sabado ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Cosme at San Damian, Mga Martir Mahal na Birheng Maria ng Sabado UNANG PAGBASA Mangangaral 11, 9 – 12, 8 Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang ibig mo at lahat ng nakaaakit sa paningin mo. Ngunit alamin mong lahat ng ito’y ipagsusulit mo sa Diyos. Iwaksi mo ang alalahanin at mga kabalisahan; ang kabataan at kasibulan ay pawang lumilipas. Alalahanin mo ang lumikha sa iyo sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay. Alalahanin mo ang Diyos bago makubli ang sikat ng araw, bago magdilim ang buwan at mga bituin, bago ka lambungan ng makapal at madilim na ulap. Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawala ang lakas ng iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata. Alalahanin mo nga siya bago ka mawalan ng pandinig, na halos di ...

Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Mangangaral 1, 2-11 Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral Walang kabuluhan, walang halaga ang lahat ng bagay. Magpakahirap ka man, gumawa man nang gumawa ay wala ring mapapala. Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig. Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga; habang araw na paikut-ikot. Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit di ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan. Ang lahat ng bagay ay nakababagot, hindi makakayang ipaliwanag. Walang sawa ang paningin ng tao; walang tigil ang kanyang pakinig. Ang naganap noon ay nangyayari ngayon. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari. Walang bagong pangyayari sa ibabaw ng daigdig. Ang sabi ng iba, “Halikayo! Ito’y bago.” Ngunit naganap na yaon noong di pa tayo tao. Di na maalaala ang mga nauna. At ang nangyayari ngayon ay malil...

Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Kawikaan 21, 1-6. 10-13 Pagbasa mula sa aklat ng mga Kawikaan Hawak ng Panginoon ang isip ng isang hari at naibabaling niya ito kung saan igawi. Ang akala ng tao lahat ng kilos niya ay wasto ngunit ang Panginoon lang ang nakasasaliksik ng puso. Ang paggawa ng matuwid at kalugud-lugod ay higit na kasiya-siya sa Panginoon kaysa mga handog. Ang masama ay alipin ng kapalaluan, ang ganitong ugali ay kasalanan. Ang mabuting pagbabalak ay pinakikinabangan ngunit ang dalus-dalos na paggawa’y walang kahihinatnan. Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan. Ang isip ng masama’y lagi sa kalikuan kahit na kanino’y walang pakundangan. Parusahan mo ang manlilibak at matututo ang mangmang, pagsabihan mo ang matino, lalong lalawak ang kaalaman. Alam ng Diyos ang nangyayaru sa loob ng buhay ng masama ka siya’y gumagawa ng paraan upang sila’y mapariwara. Ang hindi pumapansin sa hibik ng mahirap daraing din balang araw ngunit walang lilingap. Ang Salit...