Posts

"O Jerusalem, Jerusalem"

Image
Lucas 13:31-35 — "O Jerusalem, Jerusalem" Lucas 13:31-35 — Ang Soro at ang Inahin May mga Pariseong lumapit kay Jesus — and for once, mukhang concern sila: "Umalis ka dito, papatayin ka ni Herodes." Si Herodes Antipas — anak ni Herodes na Dakila na pumatay sa mga sanggol sa Bethlehem. Siya rin ang nagpugot kay Juan Bautista. Ngayon nasa Perea siya, kung saan nagtuturo si Jesus. At may balita: pinag-iinitan niya si Jesus.  Pero anong sagot ni Jesus? Hindi takot. Hindi "Thank you, aalis ako." Sabi Niya: "Sabihin ninyo sa sorong iyan..." Eipate te alopeki taute. — Sabihin nyo sa sorong yan. Sa mundo ng mga Judio, ang hari, leon. Ang propeta, agila. Pero ang soro? Maliit, tusong mandaraya, sumisira ng ubasan (Awit 2:15 — huliin ang mga soro, ang maliliit na soro na sumisira sa ubasan ), at sa Greek culture — walang kwenta, hindi marangal na hayop.  Tinawag ni Jesus na soro ang hari. Hindi dahil takot Siya. Dahil alam Niyang hindi si Herodes ang...

Tinawag sa Bundok, Sinugo sa Kapatagan

Lucas 6:12-19 — Feast of St. James (son of Alphaeus) and St. Jude Thaddeus , — this is the Gospel for October 28, Feast of Sts. Simon and Jude. Lucas 6:12-19 — "Tinawag sa Bundok, Sinugo sa Kapatagan" Tatlong bundok sa buhay ni Jesus — at tatlong bundok sa buhay ng apostol. Tonight's Gospel gives us the first: The Mountain of Prayer. "Noong mga araw na iyon, umakyat si Jesus sa bundok upang manalangin, at magdamag siyang nanalangin sa Diyos." (v.12) Magdamag. Dianyktereuon. Whole night. Greek word used only here in New Testament. Bakit? Kinabukasan pipili Siya ng 12. At kasama sa pipiliin Niya — si Santiago, anak ni Alfeo (James son of Alphaeus) at si Judas, anak ni Santiago (Jude son of James) — ang dalawang kapistahan natin ngayon. Isipin mo: Si Jesus, Anak ng Diyos, na alam ang lahat, nagdasal pa magdamag bago mag-decide. Tayo, isang text lang, decide na agad. Isang meeting lang, may listahan na. Si Jesus nagpupuyat sa dasal bago pumili. Kaya kung may...

Huwag Husgahan, Magbunga Ka Pa

Image
Lucas 13:1-9 - "Huwag Husgahan, Magbunga Ka Pa" May dalawang balita sa Ebanghelyo ngayon. Unang balita: May mga Galileong pinapatay ni Pilato habang naghahandog sa Templo — hinalo ang dugo nila sa dugo ng handog. Brutal, sacrilege.  Pangalawang balita: Bumagsak ang tore sa Siloe — 18 ang namatay. Parang building collapse ngayon sa construction.  At ang reaksyon ng mga tao? Tulad natin ngayon pag may lindol, bagyo, aksidente sa bus, o pag may namatay na bata: "Ano kayang kasalanan nila? Kaya sila pinarusahan." Ganyan ang theology noon — retribution theology. Kapag may masama nangyari sa'yo, mas makasalanan ka. Kapag maganda buhay mo, mas banal ka. Anong sabi ni Jesus? Dalawang beses niyang sinabi: HINDI. "Inaakala ba ninyong higit na makasalanan ang mga Galileong iyon kaysa ibang Galileo? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: malibang kayo'y magsisi, kayong lahat ay mapapahamak din." Si Jesus, sinira niya ang fake news theology na yan. Lesson 1: ...