Posts

Showing posts with the label Unang

Sabado ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Filipos 1, 18b-26 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, ang mahalaga’y naipangangaral si Kristo kahit sa anong paraan, tapat man o hindi ang hangarin ng nangangaral. Ang isa ko pang ikinagagalak ay ang pag-asa na, balang araw, muli akong makalalaya sa tulong ng Espiritu ni Hesukristo at ng inyong mga panalangin. Ang aking pinakananais at inaasahan ay huwag akong magkulang sa aking tungkulin, kundi magkaroon ako ng lakas ng loob sa lahat ng panahon upang, sa mabuhay o sa mamatay, mabigyan ko ng karangalan si Kristo. Sapagkat para sa akin si Kristo ang buhay at dahil dito’y pakinabang ang kamatayan. Ngunit kung sa pananatili kong buhay ay makagagawa ako ng mabubuting bagay, hindi ko malaman ngayon kung alin ang aking pipiliin sa dalawang hangarin. Ang ibig ko’y pumanaw na sa buhay na ito upang makapiling ni Kristo, yamang ito ang lalong mabuti para sa akin. Sa kabilang dako, kung mananatili akong buhay ay makabubuti naman sa inyo. D...

Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Efeso 6, 10-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Sa wakas, magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Panginoon at sa tulong ng dakilang kapangyarihan niya. Isuot ninyo ang baluting kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga lalang ng diyablo. Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga maykapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito – ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya’t isuot ninyo ang baluting mula sa Diyos. Sa gayun, makatatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng masamang araw na iyon, at pagkatapos ng inyong pakikipaglaban ay matatag pa rin kayong nakatayo. Kaya’t maging handa kayo: gawin ninyong bigkis ang katotohanan, itakip sa dibdib ang baluti ng pagkamatuwid, at isuot ang panyapak ng pagiging handa sa pangangaral ng Mabuting Balita ng pakikipagkasundo sa Diyos. Taglayin ninyong lagi ang kalasag ng pananalig kay Kristo, bil...

Lunes ng Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Efeso 4, 32 – 5, 8 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, maging mabait kayo at maawain sa isa’t isa, at magpatawaran, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Yamang kayo’y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan niyo siya. Mamuhay kayong puspos ng pag-ibig tulad ni Kristo; dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog niya ang kanyang buhay bilang mahalimuyak na hain ng Diyos. Kayo’y mga hinirang ng Diyos, kaya’t hindi dapat mabanggit man lamang sa inyong usapan ang anumang uri ng pakikiapid, karumihan o pag-iimbot. Gayun din ang anumang malaswa o walang kabuluhang usapan at pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos. Alam ninyo na walang bahagi sa kaharian ni Kristo at ng Diyos ang taong mapakiapid, mahalay, o mapag-imbot sapagkat ang pag-iimbot ay pagsamba sa diyus-diyusan. Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil sa mga gawang iyon,...

Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
Linggo ng Kamalayan Tungkol sa mga Bilanggo UNANG PAGBASA Exodo 22, 20-26 Pagbasa mula sa aklat ng Exodo Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Huwag ninyong aapihin ang mga taga-ibang bayan; alalahanin ninyong nangibang-bayan din kayo sa Egipto. Huwag din ninyong aapihin ang mga babaing balo at ang mga ulila. Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, diringgin ko sila. Dahil dito, kapopootan ko kayo at lilipulin sa pamamagitan ng digmaan. Sa gayo’y mababalo rin ang inyu-inyong asawa at mauulila ang inyong mga anak. “Kapag nangungutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga usurero. Kapag may nagsanla sa inyo ng balabal, ibalik ninyo iyon sa kanya bago lumubog ang araw sapagkat iyon lamang ang pambalot niya sa katawan; wala siyang kukumutin sa pagtulog. Kapag siya’y dumaing sa akin, diringgin ko siya sapagkat ako’y mahabagin.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalak...

Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Antonio Maria Claret, Obispo Mahal na Birhen ng Sabado UNANG PAGBASA Efeso 4, 7-16 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan, “Nang umakyat siya sa kalangitan, Nagdala siya ng maraming bihag, At nagbigay ng mga kaloob sa tao.” Ano ang ibig sabihin ng “umakyat siya?” Ang ibig sabihin niyan ay bumaba muna siya rito sa lupa. Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan, sa kabila ng mga langit, upang malaganapan ng kanyang kapangyarihan ang kalahat-lahatan. At ang iba’y ginawang apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, ang iba’y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng kanyang simbahan. Sa gayun, tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Kristo. Hindi tayo matut...

Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Juan Capistrano, Pari UNANG PAGBASA Efeso 4, 1-6 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa lamang ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Ang buong daigdig, lahat ng naroon, may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon; ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y ilalim ng lupa, tubig kala...

Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, nasusulat na si Abraham, ay nagkaanak ng dalawang lalaki; sa alipin ang isa at ang isa’y sa malaya. Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak ayon sa karaniwang pangyayari, ngunit ang anak sa malaya ay bunga ng pangako ng Diyos. Ito ay isang talinghaga. Larawan ng dalawang tipan ang dalawang babae. Ang isa’y ang tipan sa Bundok ng Sinai na kinakatawan ni Agar at ng kanyang mga anak na pawang alipin. Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina. Ayon sa Kasulatan, “Magsaya ka, O babaing hindi nagkaanak! Humiyaw ka dahil sa kagalakan, ikaw na di nakaranas ng pagdaramdam sa panganganak! Sapagkat higit na marami ang anak ng babaing nangungulila kaysa babaing may asawa.” Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo anak ng alipin kundi ng malaya. Pinalaya tayo ni Kristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paalipin uli! Ang...

Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
Linggo ng Mga Katutubo/ Linggo ng Matinding Kahirapan https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3205713412860578&id=1565396137123434 Posted by Nuestra Señora de la Natividad Parish - Pangil, Laguna on  Sunday, October 11, 2020 UNANG PAGBASA Isaias 25, 6-10a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sa Bundok ng Sion, aanyayahan ng Panginoon ang lahat ng bansa, gagawa siya ng isang piging para sa lahat na ang handa’y masasarap na pagkain at inumin. Sa bundok ding ito’y papawiin niya ang kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa. Lubusan na niiyang papawiin ang kamatayan, papahirin ng Panginoon ang luha ng lahat; aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan. Kung magkagayon, sasabihin ng lahat: “Siya ang ating Diyos na ating pinagtitiwalaan, ang inaasahan nating magliligtas sa atin; Magalak tayo at ipagdiwang ang kanyang pagliligtas.” Iingatan ng Diyos ang bundok na ito. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ...

Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
>UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na ba kayong mga taga-Galacia? Sino ang nakagayuma sa inyo? Maliwanag na ipinahayag sa inyo ang pagkamatay ni Hesukristo sa krus! Ito lamang ang ibig kong malaman sa inyo: tinanggap ba ninyo ang Espiritu dahil sa pagsunod sa Kautusan o dahil sa inyong pakikinig at paniniwala sa Mabuting Balita tungkol kay Kristo? Napakahangal ninyo! Nagsimula kayo sa Espiritu at ngayo’y nagwawakas sa laman. Wala na bang halaga ang naging karanasan ninyo? Marahil naman ay mayroon. Bakit ba ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos ang Espiritu? Bakit ba siya gumagawa ng mga himala? Dahil ba sa inyong mga gawa ayon sa Kautusan o dahil sa inyong paniniwala sa Mabuting Balita. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Nagpadala ang Diyos sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa lipi ni David na kanyang lingkod. Ipi...

Martes ng Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay bilang masugid na kaanib sa Judaismo. Buong lupit kong inusig ang simbahan ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin. Naging mas masugid ako sa relihiyong ito kaysa maraming Judiong kasinggulang ko, at malaki ang aking malasakit sa mga kaugalian ng aming mga ninuno. Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, hinirang niya ako bago pa ipanganak, at tinawag upang maging lingkod niya. At nang ihayag niya sa akin ang kanyang Anak, upang ang Mabuting Balita tungkol sa kanya ay maipangaral ko sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. Ni hindi ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na una kaysa akin. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco. Nakaraan pa ang tatlong taon bago ako umakyat sa Jerusalem upang makipagkita kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. Wala akong nakitang ap...

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Isaias 5, 1-7 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ako ay aawit sa sinta kong mahal tungkol sa nangyari sa kanyang ubasan: Mayroong ubasan ang sinta kong mutya sa libis ng bundok na lupa’y mataba; hinukayan niya’t inalisan ng bato at saka tinamnan ang nasabing dako; mga piling puno ng mabuting ubas itinanim niya sa nasabing lugar; sa gitna’y nagtayo ng isang bantayan at nagpahukay pa ng sadyang pisaan. Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kayang tanim ay magsimpamunga. Ngunit ano ito? Pagdating ng araw ang kanyang napitas ay ubas na ligaw. Kaya’t kayo ngayon, taga-Jerusalem, at gayun din kayo, mga taga-Juda, kayo ang humatol sa aming dalawa: Ako, at ang aking ubasan. Ano pa ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan? Bakit nang ako’y mamitas, sa itinanim kong mabubuting ubas, ang nakuha ko ay ubas na ligaw? Kaya’t ito ngayon ang gagawin ko sa aking ubasan: Papatayin ko ang mga halamang nakapaligid dito. Wawasakin ko ang bakod nito. Hahayaan kong ito’y mapasok...

Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod UNANG PAGBASA Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sa gitna ng nag-aalimpuyong bagyo, ganito ang sinabi ng Diyos kay Job: “Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang liwayway? Ang daigdig ba ay iyong naigawa ng tanglaw, upang ang masasama’y mabulabog sa taguan? Dahil sa sikat ng araw ay nagliwanag ang lahat, parang damit na inayos, ngayon ay nakahayag. Sa liwanag ng araw natatakot ang masama, pagkat ang karahasa’y hindi nila magagawa.” “Napunta ka na ba sa pinagmumulan ng bukal? Nakalakad ka na ba sa pusod ng karagatan? May nakapagturo na ba sa iyo sa pintuan na ang hantungan ay madilim na hukay? Nalalaman mo ba ang sukat nitong mundo? Kung may nalalaman ka, lahat ay sabihin mo. “Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag, o ang kadiliman, kung saan nagbubuhat? Masasabi mo ba kung saan sila dapat humangga, o sa pinanggalingan kaya’y mapababalik mo sila? Ikaw ay matanda na baka nga iyong kaya, pagkat likhain ang daigdig, ikaw ay...

Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y inyong kahabagan; at sa galit nitong Diyos, ako’y kanyang ibinuwal. Bakit ako inuusig, waring kayo itong Diyos? Di ba kayo magsasawang pahirapan akong lubos? “Sana ang sinabi ko’y maitala’t masulat at ito ay magawang isang buong aklat. At sa bato’y maiukit itong mga salita ko upang sa habang panaho’y mabasa ng mga tao. Alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas na sa aki’y magtatanggol pagdating noong wakas. Pagkatapos na maluray itong aking buong balat, ang Diyos ko’y mamamalas kahit laman ay maagnas. Siya’y aking mamamasdan, at mukhaang makikita ng sariling mga mata at di ng sinumang iba. Ang puso ko’y nananabik na mamasdan ko na siya.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. O Diyos, ako’y dinggin sa aking pagtawag, lingapin mo ako, sa aki’y ...

Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael

Image
UNANG PAGBASA Daniel 7, 9-10. 13-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Habang ako’y nakatingin, may naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang isang nabubuhay magpakailanman. Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan at parang lantay na lana ang kanyang buhok. Ang trono niya’y nagniningning. Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab. Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono. Ang naglilingkod sa kanya’y isang milyon bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang aklat. Patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian. Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos, at di babawiin, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian. Ang Salita ng Diyos. o kaya: Pahayag 12, 7-12a Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Sumiklab ang dig...

Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Lorenzo Ruiz UNANG PAGBASA Job 1, 6-22 Pagbasa mula sa aklat ni Job Dumating ang panahon na ang mga anghel ng Diyos ay humarap sa Panginoon, at kasama si Satanas. Tinanong ito ng Panginoon, “Ano ang gawain mo ngayon?” “Nagpaparoo’t parito sa lahat ng sulok ng daigdig,” sagot ni Satanas. “Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?” tanong uli ng Panginoon. “Wala siyang katulad sa dagidig. Malinis ang kanyang pamumuhay. Siya’y mabuting tao, may takot sa akin, at hindi gumagawa ng masama,” dugtong pa ng Panginoon. Sumagot si Satanas, “Si Job kaya ay matatakot sa iyo nang walang dahilan? Bakit nga hindi siya matatakot sa iyo gayong pinagpala mo siya? Iniingatan mo pati ang kanyang sambahayan at ari-arian. Subukin mong huwag siyang pagpalain, bagkus ay sirain ang lahat niyang tinatangkilik kung di ka niya sumpain.” Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “O sige, gawin mo ang gusto mo sa kanyang mga ari-arian, huwag mo lang siyang sasaktan.” At si Satanas ay umalis sa harapan ng Panginoon. Is...